Gumawa ng Pahinang Facebook

Ang isang Facebook Page ay isang pampublikong profile na hinahayaang ipamahagi ang inyong mga transaksyon at mga produkto sa mga gumagamit ng Facebook. Para sa karagdagang detalye tungkol sa Facebook Pages, Idownload ang aming Gabay na Produkto.

Simulan ang Usapan

Kung ang inyong nga kaibigan ay nakisalamuha sa Facebook, ang mga storya ay karugtong sa inyong pahina ay makakarating sa inyong kaibigan sa pamamagitan ng mga Balita. At sa pakikisalamuha ng inyong mga kaibigan, ang balita ay kakalat sa pamamagitan ng malawak na grupo ng mga kaibigan.

Isulong ang kamalayan ng mamimili

Ikalat ang balita tungkol sa Mga Ad sa Facebook. Ikaw ang mamili ng texto, graphic at target audience. Kami ang maglalagay ng mga impormasyon tungkol sa kanikanilang mga kaibigan na nakikipag-ugnayan sa Facebook Page, kung iyong mamarapatin.

Ang kumalap ng ilang detalye bago gumawa ng Facebook ay makapagpapadali at makapagpapabilis sa pagawa ng pahina sa Facebook:

Pangalanan ang iyong pahina

Ang pangalang nakalathala sa iyong Pahina ay permanente na, siguraduhing ito ay madaling makikilala ng iyong mga tagahanga at kliyente.

Mag-upload ng Mga Litrato

pwede kang mag upload na walang limitasyon ng mga larawan. Ang pinaka importante ay ang larawan sa profile (bilang thumbnail) na makikita sa mga gumagamit ng Facebook sa loob ng news feed

Gawin itong makabuluhan at kaaya-aya.

Sa anong paraan kaya magiging suking mamimili ang iyong mga taga subaybay sa Facebook at vice versa? Kung ikaw ay isang kainan o inuman, mga detalyadong impormasyon tulad ng kinalalagyan at oras ng pagbukas at pagsara ay nakatutulong. Kung ikaw ay isang banda o isang pelikula, ang pagdaragdang ng mga kanta at bideo ay mahalaga. Kung ikaw ay isang tatak o produkto, magkakaroon ng impact ang mga litrato ng iyong mga inaalok at mga hyperlink sa mga indepenenteng pagsiyasat. Ikalap ang anumang mayron ka - at pwede ka namang magdagdag pa mamaya.

Unang hakbang: Pumili ng kategorya at pangalan

Pumili ng kategoryang sakto sa kung anong gusto mo na mai-promote sa Facebook. 'Wag mag-alala kapag di mo makita ang sakto para sa'yo, pero piliin mo ang pinakamalapit dahil 'di mo maaaring palitan ang iyong kategorya.

Ang pangalan ng Pahina ay kailangang katulad ng pangalan ng kalaka, organisasyon, produkto, banda, o indibidwal na kinakatawan nito.

Pindutin ang " Lumikha ng bagong Pahina"

Hakbang 2: Magdadag ng litrato sa profile

Pindutin ang "mag-upload ng larawan" malapit sa gawing itaas at pumili ng larawan na magrerepresenta sa inyo. Siguraduhing malinaw ang litratio sapagkat mababawasan ang laki nito sa buong website (halimbawa: sa propayl ng mga tagahanga o sa propayl ng mga kaibigan).

Magdagdag ng Impormasyon

Pindutin ang "Magdagdag impormasyon sa Pahinang ito" sa ilalim ng litrato sa profile at maglagay ng kahit gaano karaming pangunahin at detalyadong impormasyon na gusto mo. Ang mga patlang na magagamit ay depende sa uri ng iyong Pahina. Ang mga karagdagang detalye na iyong mailalagay tungkol sa iyong sarili, kung ano ang iyong gingawa, at kung kailan at saan maaaring bumili ng iyong mga produkto, ay maaaring makatulong upang ikaw ay maging mas matagumpay. undefined

Ika-4 na hakbang: Gawin itong malaman at nakaka-engganyo

Tulad ng user profile, ang mga pahina ay may maraming mga tabs. Sa pamamagitan ng default, ang inyong Pahina ay may Wall tab para sa iyo at sa iyong mga tagahanga para ibahagi ang nilalaman, ang isang Info tab para sa inyo na i-share sa negosyo na impormasyon, at ang isang Boxes tab para sa aplikasyon modules. Maaari kang pumili upang italaga ang buong mga tab sa ilang mga aplikasyon ng Facebook, tulad ng Mga litrato, Pagsiyasat, at Board sa talakayan. Sa karagdagan, ang mga aplikasyon na binuo sa pamamagitan ng mga developer sa labas ay maaring pumili upang gamitin ang mga pahina sa tab.

Kapag masmalaman ang iyong idinadagdag na impormasyon, masmaraming paraan na makipagugnayan ang iba pang mga gumagamit ng facebook at masmadali itong maikakalat sa kanilang mga kaibigan. Maglagay ng mga larawan ng mga produkto, empliyado at mga customer. Maglagay ng mga video clip ng inyong bar o restaurant. Ang mga 'behind the scenes' ay maaari ding makatulong. Itala ang event ng inyong grand opening o in-store sale. Magsulat ng paalala para sa mga paparating na mga promotions. Nasasaiyo kung ano ang iyong pipiliin at lahat ng mga feature na ito ay libre at unlimited.

"Pwede mo rin idagdag ang aplikasyon ng taga labas na gumawa para mabago ang sa iyo"

  • Ang isang restaurant maaaring idagdag ang Reserbasyon aplikasyon upang ipaalam sa mga gumagamit ng libro ng isang talahanayan na nang hindi umaalis sa Pahina.
  • Maaaring magdagdag ang isang pelikula ng Oras ng palabas at tiket para tulungan ang mga gumagamit na makahanap ng pinakamalapit na pinagpapalabasan—muli, ng di umaalis sa pahinang ito.
  • Ang maliit na negosyante ay maaring idagdag ang Visa Business Network application upang makakonekta sa mga kaibigan.

Daan daang aplikasyun ang nag aabang para sa iyo. Kailangan ng Tulong? Tumingin sa ibang pahina sa iyong kategorya para sa karagdagang aplikasyun na makakatulong para mapabuti ang iyong mga kostumer.

Ika-5 hakbang: Ilathala

Pindutin ang link na "ilathala ang Pahinang ito" upang ipamahagi ang iyong Pahina sa daigdig. 'Di tulad ng mga tala sa phone book o website, ang pampublikong profile na ito ay may kakayahang bigyan ang iyong mga suki ng panghikayat sa kanilang mga kaibigan sa iyong halip.

I-optimize mo ang kakayahan ng iyong Pahina sa pamamagitan ng pag pindot ng "edit page" link at mag magtalaga ng iba't ibang uri ng mga control. Halimbawa, pwede mo i-control ang default landing tab para sa mga users na hindi pa kasama sa fans ng iyong Pahina.

Mga patalastas sa Facebook ay maaring ikabit sa iyong pahina, para maabot ang eksaktong gustong mamimili at dagdagan ang dami ng tagahanga. At dahil otomatikong pagagandahin ng Facebook ang patalastas sa pamamagitan ng mga kuwento tungkol sa mga tagahanga na tumungo sa iyong Pahina, ang paglagay ng Patalastas sa iyong Pahina ay maaring makagawa ng paulit-ulit na koneksyon sa iyong mamimili sa mataas na panahon

Upang makapunta sa Facebook Page mula sa kahit saan sa web, gamitin ang "Hanapin sa Facebook" badge. Huwag kalimutan na maging tagahanga ng sariling Page! Ipamahagi ito sa mga kaibigan sa pamamagitan ng pagpindot ng "Share" button sa ibabang kaliwa ng Wall o ng Info tab.

"Pang-anim na Hakbang: Palaging Subaybayan"

ang Palagiang paguupdate ng iyong mga litrato, mga paparating na mga pangyayari at mga bagong promosyon ay hnd lamang magpapamukha sa iyong Pahina na isang Profile lamang, kundi eto ay mararamdaman din ng ibang mga gumagamit ng Facebook at kanilang babalik-balikan. [hanggang d2 lng kya q haha]

Pwede ka ring magpadala ng iilan o lahat ng mga mensahe sa pamamagitan ng pag-CLICK sa "Magpadala ng bago or karagdagang inpormasyon sa mga Kaibigan" na nasa bandang itaas at kaliwang bahagi ng inyong Pahina (sa ibaba ng litrato sa profile). Ang mga bago or karagdagang inpormasyon ay mahalaga para sa pagpapadala ng mga patalastas katulad ng pagpapakila at pagbebenta ng produkto or serbisyo at ng mga pangyayaring may kaugnayan sa nasasabing produkto o serbisyo. Para sa karagdagang inpormasyon kung papaano ang paggamit sa mga Pahina, sumangguni sa aming Help Section.

Gamintin ang mga Pahina ng Facebook Ads para makatagpo ng bagong mga Kaibigan. Ang Facebook Ads ay may tatlong bahagi:

1. Pamagat, Larawan at Nilalaman

Maaari mong pindutin ang titulo, larawan or nilalaman ng iyong ad at pumunta agad sa iyong pahina upang makakita pa ng mas maraming impormasyon tungkol sa iyong negosyo at mas magamit ang iyong pahina.

"2. Mga Ginawa ng Kaibigan "

Sa kanilang bersyon ng ad, makikita ng mga user ang mga kaibigan nilang naging fan o tagahanga ng iyong Pahina. Pinapataas nito ang halaga ng iyong ad.

3. Maging Tagahanga

Magiging madali na sa mga gumagamit ng facebook na maging tagahanga ng iyong Facebook Page sa simpleng pagpindot sa link na "Become a Fan". Sakaling gawin ito ng mga gumagamit, kusa itong gagawa ng istorya sa User's Profile Page, o ang sariling niyang site, at posible ring pati sa sariling site ng mga kaibigan niya, na matatagpuan sa "Highlights" -- na libreng magkakalat ng impormasyon, para sa'yo.

Pagbabayad

Hindi mo kinakailangan magbayad higit pa sa pinakamataas na alok kada pindot (CPC). Bayad kada pindot kasama ang pindot sa titulo, imahe, parte at pindot sa "Maging Tagahanga" pansunod. Hindi kasama ang pindot sa galaw ng mga kaibigan.

Nangangailangan ng tulong sa pagbuo ng huwarang solusyon sa pag-advertise ng Facebook?Makipag-ugnay Sa Aming Sales Team