Photos
Posts

"Ano ibig sabihin ng BJ at bakit mahal na mahal mo ito?"
"Sabihin na lang natin na buko juice yung ibig sabihin. Hehehe."

Image may contain: 1 person, standing

"Baka medyo cheesy dating nito, pero ginusto kong pumasok sa pagluluto dahil sa nanay ko. Ang sarap kasi lagi ng mga niluluto niya, kaya alam mong pinaghirapan niya 'yun. Nakakasayang isipin na lahat na lang ng bagay iniintindi ng nanay mo, kahit yung hindi naman ganun ka-essential tulad ng kung gaano ka sarap ang kinakain. Oo, masarap nga sa mga mahal na restaurant o paborito mong kainan, pero iba talaga pag yung nanay mo yung nagluto eh."

Image may contain: 1 person
Posts

"Minsan naiisip ko kung gaano kasarap siguro buhay ko kung mas maganda lang mga desisyon ko. Akin sana tong mga sasakyan na 'to oh, imbis na tinutulungan ko lang magpark mga driver. Ako sana yung may camera na ganyan. Ako sana yung nagyayabang, hindi yung nagmamakaawa."
"Kung may sasabihin po kayo sa mas bata niyong sarili, ano po sasabihin niyo?"
"Alam kong maraming nagsasabi nito sa'yo, pero pare, mag-aral ka ng mabuti. Parang awa mo na."

Image may contain: 1 person, stripes, child and outdoor

"1980s pa ako nagbebenta rito. Doon sa amin, sa may looban, may mga kabataan na nagbibisyo. Yung asawa ko yung pinakapresidente roon tapos nang may nagawang siyang mali, pinagtulungan nila siya at pinatay."
"Ano po ginawa niyo sa buhay pagkatapos nun? Parang mahirap po magpatuloy pagkatapos ng pangyayaring ganun eh."
"Ayun, tinda pa rin ako ng tinda rito para may ipakain sa apat na anak ko."

Image may contain: 1 person, standing, sky and outdoor

"Mahilig ako sa cute girls. At beer."

Image may contain: 1 person, outdoor

Every time that I asked her a question, she would just smile and run away to her grandmother.

Image may contain: 2 people, people standing and outdoor

"Imagine and dream then the world will change to how you want it to be."
"Pwede mo ba ipaliwanag?"
"Pag inimagine kasi yung gusto mo mangyari, doon din kasi manggagaling yung motivation mo para gawing reality yung dream mo."
"Sa tingin mo, bakit yun yung unang naisip mo?"
"Siguro dahil nandito kami ngayon sa UP. Nakikita pa lang namin yung campus, tapos parang nagd-dream na kami na dito kami pumasok."

Image may contain: 2 people

"Ano yung pinakagustong mong bagay tungkol sa kanya?"
"Pag ngumingiti siya, sumasama yung mata niya."
"Eh ikaw? Ano pinakagusto mo sa kanya?"
"Matigas ulo niya. Hehe."

Image may contain: 2 people

"Puwede ko po ba kayong picturan?"
"Doon tayo sa baba ng overpass, idol. Baka magkasakit ako tapos hindi ako makatrabaho eh. Kahit ganito kasimple lang trabaho, kawawa naman pamilya ko kung hindi ko sila matulungan kahit papano."

He asked his name to be omitted, but he might look familiar to you if you frequent National Bookstore, Mushroomburger, Starbucks or the bridge near those establishments. He aids drivers in parking their car in the hopes of getting a tip from the driver.

Image may contain: 1 person, standing and hat

"Ano po yung pinakamatatandaan niyo sa buong time ninyo rito sa Ateneo?"
"Siguro nung EDSA. Lahat ng tao sama-sama eh. Estudyante, guro, pari, o staff. Di ko makakalimutan na lahat talaga sumali."
"Masaya naman po kayo na rito kayo nagtrabaho?"
"Oo naman. Kasi diba, tatagal ba tayo kapag hindi tayo masaya?"

...

Kuya Lito's last day in Ateneo was today. Most people will remember him as the very accommodating person handling the printing or giving out headsets in the Info Commons of the Rizal Library, never once being "masungit".

He will surely be missed.

See More
Image may contain: 1 person, standing

"Mas ok sana kung J.CO binigay niya eh...joke lang!"

Image may contain: 1 person, food and indoor

As many of you have noticed, most of the people featured here are from Ateneo. This is honestly because Ateneo is a lot more accessible to me during weekdays. But don't worry, this doesn't mean that Ateneans will outnumber everyone else. There will be a lot more non-Ateneans featured here by this weekend.

"Anim na buwan na akong hindi nakakauwi sa amin. Mahirap pero nakakahanap pa rin ako ng paraan para maging masaya. Sana ganito rin ang nararamdaman ni Itay kahit malayo siya."

Image may contain: 1 person, closeup

"Can you share something interesting about yourself?"
"Well, I didn't learn fractions until I was grade 6, but I still ended up studying in a science high school. Also, I don't use toilet seats. I wipe the toilet with tissue before using it though."

Image may contain: one or more people and people standing

"Nung elementary ako, merong mga flash cards for math. Yung parang... nakalagay 3+5 pero walang nakalagay na sagot kasi kami dapat sasagot. Inannounce ng teacher na magre-recite kami lahat the next day, eh nung time na yun kamay ko lang ginagamit ko pang addition. Pag lumalampas ng 10 yung sagot, hindi ko na alam gagawin kasi sampu lang daliri ko. Kaya nagsuot ako ng sandals para pati yung daliri ng paa ko, binibilang ko rin!"

Image may contain: 1 person

"We'll never admit it to each other, but we're best friends."

Image may contain: 2 people, indoor

"May mahabang period of depression ako nung bata ako. Sabihin na lang natin domestic abuse yung nangyari. Mula nung 6 years old pa lang ako up to mga 12 or 13 years old."
"I'm hoping na ok ka na naman ngayon?"
"Wala na naman siya sa bahay. Minsan bumabalik, pero di ko na siya kinakausap. Wala nang nangyayari, kaya ok na naman ako."

Image may contain: 2 people