Posts

"Ang Bibliya"

Isang aklat na may pag-ibig,

Pananampalataya at pananalig

...

Kaakibat ay biyaya at buhay na di malilibing.

Hindi sinulat ng mga kilalang tao at artista ngunit tunay na mahalaga

Malalalim na salita ngunit iyong maiintindihan kung tunay mo syang kinikilala

Hindi ginagamit sa eskwelahan ngunit kagamit gamit sa bahay sambahan.

Marami mang naimbento na salita at halo halong haka haka

Hindi parin maitatanggi na itoy salitang may biyaya

Ang ispirito ng Diyos ang may gawa at sya mismo ang magbibigay sayo ng unawa.

Hindi ka maliligaw kung ang Diyos ang papanigan

Syay pakinggan at puso moy buksan

Ginawa at sinulat para sayo at sa akin tungo sa buhay na walang hanggan.

Ito ang aklat na sinulat bago ka man ipanganak

Ito ang aklat kung saan ka dapat magsimulang gumayak

Ito ang aklat kung paano ka mabubuhay na may Pag asa

Pag asa na di ka lamang sa mundo titira

Kundi makasama ka sana nya sa langit na bayan

At gagawing prinsipe at prinsesa ng kanyang kaharian.

Wag sanang tamarin na itoy buklatin at basahin

Sapagkat ang lahat ng bagay sa mundo ay magwawakas

Ngunit ang Bibliya ay salita ng Diyos na mananatili hanggang wagas.

# Forever Love
#Eternal Life
#B-ASIC
I-NSTRUCTION
B-EFORE
L-IVING ON
E-ARTH

See More

"Walang suklay"
Mga babaeng walang suklay
Tinaguriang tunay
Dahil sa kanilang buhok na guray guray
Pag tinanong kung may suklay...
Ipapakita ang mga daliri sa kamay
Hahaha nakakatawa pero hindi naghihiwalay
Hindi maghihiwalay ang mga walang suklay
Ang babaeng walang suklay
Na dumadaan kahit sa mga tulay
At kahit mabagal ka maglakad ikay mahihintay
Walang suklay ang pamagat ng tropa
Tropang binuo ng magkakaibigang walang suklay
Mga babaeng mahahaba ang buhok
Ready to pose sa camera kahit gulo gulo ang buhok
Mga babaeng walang suklay at walang pake kung di sila mga pabebe
Maasahan pagdating sa polbo,lipstick at pangkilay
Wala nga lang silang suklay
Pagkat tama na sakanila ang tropang tunay
Tropa na walang iwanan
Kahit minsan ay nagkakatampuhan
Tropang mapagiwanan ka man
Tiyak na babawi yang mga yan
Babawi yan sayo ng pagpapatawa at corny na jokes
Mapangiti ka lang at magpatawad ka na
Ano pa bang masasabi ko sa walang suklay?
Ah...basta..
Ang alam ko
Dito nagsimula ang samahang binuo
Samahang binuo ng mga babaeng ang buhok ay magulo
Mga babaeng walang sakit sa mga ulo
Kahit minsay nadadaanan ang pulang bubong
At napagkakamalang galing doon.
Ang mga babaeng walang suklay
Ang maituturing
Kong kaibigang tunay
Na kahit walang suklay
Okey na ang mga kamay
Kamay na hahagod sa buhok na walang suklay
Mga kamay na yayakap at hahaplos sa pasma na pasma mong mga kamay
Mga kamay na pupunas sa mga luha
Mga kamay na tatapik sa balikat at sasabihing kaya mo yan
Mga kamay na ginagamit panuklay sa buhok ng mga babaeng walang suklay
at sa makulay na pagkakaibigang tunay.

See More
Reviews
Mahal ko o Mahal ako has no reviews yet.
Tell people what you think
Photos
Posts

Kung hindi kita mahal sana noon palang iniwan na kita,
Kung hindi kita mahal,sana naghanap na ako ng iba,
At kung iniisip mong pinaglalaruan lang kita
Nagkakamali ka
Hindi mo lang madama kase hindi tayo laging magkasama...
Pero ito ang tatandaan mo
Nandito ako para sayo
Kasi sa dinami dami ng pumasok sa isip ko
Ikaw lang ang pumasok sa puso ko.^^

See More

Mali ang sumuko sa isang taong alam mong mahal mo pa..
Pero mas mali ang gumamit ng iba para lang makalimutan siya.

Mahirap bumitaw sa taong mahal mo
Pero mas mahirap kumapit sa isang tao na inaantay nalang ang pagbitaw mo.

---Damdamin ng makata---
Pasensya na
Kung naiistorbo kita
Gusto ko lang sana na marinig ng iyong mga tainga
At nais makita ng iyong mga mata...
Na akoy naaaliw maging isang makata
Ang pagsulat ng tula at pagtatago sa emosyon na dito nagmumula
Ay handa ko nang mailathala
Kaya sanay wag kang mainis o akoy pagsalitaan ng masama
Sapagkat itoy nagmula sa aking isip at puso
Sa magulong imahinasyon at kolokohan ko
Naglalaro ang mga salita at hakahaka na kathang isip
At akoy unting unting napaisip
Na itoy aking gawing hobby
Sa araw araw na malungkot at masaya ito ang aking tila hubby
Ang pumupunas sa luha at nagpapawi ng sakit
Ang nagpapasayat nagbibigay sigla na tila isang awit
Ang bawat salita na mula sa huling pagsambit
Isang magandang kwento ang nais na ihatid.
Maraming salamat sa oras na iyong binigay
Para makinig at magbasa
Makinig at magbasa ng aking inalay na tula.

#Na-inspired nanaman akong sumulat
#Writerbe like
#http://fb.me/Ladyboss0008

See More
fb.me

Bessy Mariejoy

Bessy,yan ang aming tawagan
Nagmula sa salitang bestfriend na nagmamahalan
Nag simula sa pagpapakilala ng pangalan...

Continue Reading
Image may contain: 2 people, people smiling, people standing and outdoor
Image may contain: 2 people

Ate Lovely Faith

Pangalang
nagmamahal ng tapat
Sya ang pinaka bagets sa tropa...

Continue Reading
Mahal ko o Mahal ako added 2 new photosfeeling blessed.

Bes Angie

Limang letra ng palayaw nya
Pero mala anghel ang tunay na name nya
Angelica...
Parang anghel na may halika na
Pagkat sya ang kaibigan kong sasamahan ka
Sasamahan ka nya sa lungkot at saya
Tawa palang nya ay bubungisngis ka na
Dahil sya ang bungisngis ng tropa
Walang suklay pero laging ayos ang kanyang kilay
Malusog ang sexy nyang katawan
Pero malabo ang mata nyang laging nakasalamin
Mahal ko ang aking kaibigan
Sya ang kaibigan kong malakas
Malakas humalakhak
Pero sa likod nun ay luhang tumatagaktak
Nakilala ko sya sa section 2-A1
Lagi syang nakaupo sa likod
Di ko alam bat lagi syang nandon
Pero apilido nya palay rollo
R kase..haha.
Pero,dumating ang pagkakataon na nalipat sya malapit sakin
Ang sarap pisilin ng kanyang pisngi
Sing sarap nyang mahalin
Mahalin bilang isang kaibigan
Mahal ko ang aking kaibigan
Ang aking kaibigan na nakilala ko lang sa loob ng apat na sulok ng room namin
Third year college na kami
At salamat dahil nandyan pa rin sya para sumama samin
Ngayon kami ay grupong masaya
Masaya kasama sya
Kasama syang tumatawa
Kasamang umiiyak
At kasamang manghampas tuwing kinikilig kilig pa
Mahal ko ang aking kaibigan
Ang aking kaibigan na lagi kang sasamahan
Sa joke mong nakakatawa
Sayo na ang corny jokes libre nya na ang bungisngis na pagtawa
Sa bawat oras na magdadaan
Lagi kong inaalala
Sa tuwing akoy malungkot
Iisipin ko lamang
Ang pangalang Angelica
Ang pangalang nagsasabi
Ng halika na
Tatawa pa tayo
Tumahan ka na
Tumayo ka na
At tayoy may pupuntahan pa
Pupunta tayo sa lugar kung saan ay masaya

See More
Image may contain: 7 people, people smiling, people sitting
Image may contain: one or more people and closeup

Ate Ofelia

Ang ate ng tropa
Oo,ate namin sya at hindi ako ha
Hahaha..

...

Lahat naman ng klasmeyt namin ay ka close nya
Pero mas naging close sya sa ming tropa nung nagproject kami kay mam jonna
Natatawa ako dahil nag eenjoy naman sya
Ngayon kasama na sya sa grupong masaya
Nakasama na din namin sya sa fieldstudy2
Nag obeserve kami sa kanggahan elementary school
Gustong gusto ko ang dala nyang kwento
Lalo na ang karanasan nya sa trabaho
Kahit syay nahihirapan ngayon
Hindi sya sumusuko
Dahil kanyang pag aaral nais nyang mabuo
Matapos ito at lumakad sa pulpito
Kung saan hawak nya ang diploma na taas noo
Mahal ko ang bagong kaibigan
Na nagmamahal ng lubos sa kanyang pamilyat kapatid
Naalala ko nung binasa ni sir july
Ang drawing nyang about sa family
Iyak sya ng iyak dahil tagus sa puso nya ang reality
Ang reality sa likod ng binasang drawing
Dama ko ang kanyang mga luha
Pagkita ko sa iba silay namumutla
Namumutla kakapunas sa matang katatapos lang lumuha
Bilib ako sa bagong kaibigan
Sa bagong kaibigan na tinaguriang
Ate ng tropa.

See More
Image may contain: 2 people, people smiling, people sitting, selfie, closeup and indoor
Image may contain: 2 people, people smiling, closeup
Mahal ko o Mahal ako was feeling emotional.

Wasimah Sheila

Nanay sheila
Ang tawag namin sakanya
Simula nung naging official sila ni tay mhier coles...
Mhier coles kahit hwebes na
Ang pangalan nyang Mhier coles pa din haha
Balik tayo kay nay sheila
Isang babaeng puno ng problema
Pero akoy masaya na sa tuwing kami ay kasama nya
Nakikita ko ang tuwa sa kanyang mga mata
Minsan na syang nagkwento
Ng tungkol sa kung ano ano
Pero itoy totoo at seryoso na dumurog sa aming mga puso
Pagkat syay may sakit sa puso
Oo,literal
Pero mas masakit pala ang sakit sa puso nyang emosyonal
Di ko alam kung pano sya mapapasaya
Pero ang alam ko lang ay kayang kaya nya
Kayang kaya nya tiisin lahat ng problema
Pagkat nakilala ko siya bilang matapang at palaban
Lahing muslim kanyang pinaglalaban
Dugong may katapangan
Ngunit sa likod ng tapang nyay may lungkot na nadarama
Ang sakit isipin dahil kung minsay itoy paulit ulit na
Paulit ulit yung problema
Na tila di sya makawala
Ang hiling ko sanay tatagan pa nya
Tatagan pa nya at manatiling matapang
Ang tropang walang suklay na sya mismo ang nagpangalan
Titulo ng mga buhok
Walang suklay
Tama nang dalay pangkilay
Salamat na syay kaibigan ko
Kahit minsan ako sakanyay may tampo
Mga ugaling di napagkakasundo
Friendship over kuno
Pero sya di ko matiis na di makibo
Mahal ko ang aking kaibigan
Kahit minsan ay may tampuhan
Kaguluhan
At di pagkakaunawaan
Mananatili c nay sheila
Na tinagurian naming nanay
Mahal namin sya at mahal din namin ang kwento nya
Mananatili syang nagiisa sa puso naming nakatingin sa iisang puso nya na dapat ng buuin
Buuin ang wasak at sugatan nyang puso
Sa pagmamahal na kayang tumbasan ng pagmamahal bilang kaibigan.
Pagtanggap at pagmamahal ang mananatiling nakalaan.
Wag sanang lumayo at pakinggan ang aming payo
Mahal ka namin
Sa simula hanggang dulo.:')

#tae,naiyak ako habang sinusulat to ah..i aappreciate mo to.hahaha .labyu nayy..

See More

Carla

Ang kaibigan naming mahinhin
Tahimik lamang pero nagkikimkim din
Nagkikimkim din ng problemat mga lihim...
Ngunit kahit ganun sya ay nakaikisalamuha din.
Ang hinhin nyang tumawa kahit humahalakhak na
Pero ang lungkot sa mga matay kitang kita
Tahimik lamang sya
At di ko alam kung pano sya bibigyan ng saya
Buti nalang at kasama nya lagi si daniella
Kahit tahimik sya
Mahal ko sya
Bilang kaibigan sya din ay nakakatuwa
Nakakatuwa dahil napakasexy nya
Napakasexy aydol ng masa
Pero iba pag syay kumanta na
Nako parang nag concert sa araneta
Ang ganda ng boses nya
Ang pagkahinhin nyay nabawasan pagkat lakas ng boses sa pagkantay nailabas
Ang ganda ng boses parang anghel na umaawit
Ang sarap nyang gawing masungit
Pero syay ubod padin ng bait
Mahal ko ang ang aking kaibigan
Simula nung unang pasukan
Sila ang nagbigay ng sigla
Sa puso kong luhaan
Isa si carla sa kaibigang tunay
Na kahit tahimik yan
Hindi ka nyan iiwan
At ikay handang tulungan.

See More
Image may contain: 1 person, closeup
Image may contain: 1 person, smiling, standing and shoes
Image may contain: 8 people, people smiling, people sitting and outdoor

Christy

Ang kaibigan kong chinita
Hindi sya maputi pagkat syay morena
Pero chinita ang tawag ko sakanya sa tropa...
Ang mga mata nya ay so pretty
Lalo na pag syay ngumingiti na akoy nabibighani
Nabibighani bilang isang true friend
Nais koy lagi syang naka smiley
Pagkat pag syay malungkot akot di mapakali
Di mapakali sa lungkot na dulot ng di pagkakangiti
Akoy masaya na syay kinaibigan
Pagkat ang ngiti sa labi nyay
Di matutumbasan
Di matutumbasan ng kahit anong halakhak
Pagkat tunay na ngiti sa labi nyay
Nakatatak
Mahal ko ang aking kaibigan
Simula pa nung unang pasukan
Nang aking masilayan
Ang ngiti ng isang chinitang morena
Ay patuloy ko sanang makita
Masaya ako sa pagbabago nya
Syay medyo mataba na
At nakakatuwa na wala na syang pinoproblema
Basta pag syay namroblema
Nandito lang kaming grupong masaya
Hindi sya iiwan at lagi sa kanyay magbibigay tuwa
Wala na kong hihilingin pa
Pagkat sa kanila
Akoy kumpleto na
At isa na don ang chinitang morena.

See More
Image may contain: 3 people, people smiling
Image may contain: 3 people, people smiling

Antonette

Sya ang bago naming kaibigan
Akala ko nung una syay hindi ko tatagalan
Pagkat ang pagkatao nyay ubod ng pakikipagsapalaran...
Syay madaldal at laging bago ang kwentuhan
Prangka syat tuloy tuloy ito kahit ikay masaktan
Pero syay gusto ko pagkat nais nyay katotohanan
Maraming basher pero walang uurungan
Sa project namin,sya ang nangununa at itoy kanyang ipaglalaban
Ipaglalaban kahit mapagod na at mawalan
Masaya ako sa aking bagong kaibigan
Kaibigang nadagdagan man
Pero di kaylanman mababawasan
Ang salitang kaibigan
Na nabuo lamang nung isang araw
Ako at ang tropang walang suklay
Ngayon ay nasa grupong masaya
Masaya at puro tawa
Pag nagkagipitan lahat ay kawawa
Sapagkat kami ay walang iwanan at lahat ay damay damay na.
Ang grupong masaya na malulungkot pero hindi malulukot
Hindi malulukot ang sinimulang
Grupo kasama si Antonette na kahit kulot
Syay hindi madamot
At hindi kalimot limot
Sya ang bago kong kaibigan
Na aking nasasandalan.

See More
Image may contain: 4 people, people smiling, people standing
Image may contain: 2 people, people smiling, people standing and shoes
Mahal ko o Mahal ako was feeling hopeful.

Mahal ko o mahal ako?

Isang katanungan,
Dalawang pagpipilian
Ano nga ba ang dahilan...
Ng pakikipaglaban
Sa dalawang taong iyong pinahahalagahan?
Sino bang dapat piliin
Sinong dapat mahalin
Sinong dapat ang mas bigyan ng pansin
Masama bang umibig ng dalawang taong deserve namang mahalin.?

Yung taong mahal mo na nagpapasaya tuwing may problema ka
Kapag may pupuntahan ka
May taong nag aalala
Nandyan yung taong mahal mo na handa kang ipagmalaki sa tropa nya
Ngunit di nyo maamin na may kayo sa inyo inyong pamilya.

O Yung taong mahal ka na sa tuwing umiiyak ka
Sya ang nagpupunas ng iyong mga luha
Yung taong mahal ka na di ka lamang papasayahin pag may problema
Kundi araw araw ka nyang pasasayahin tuwing kayoy magkasama
Yung taong mahal ka na kilala na ng inyo inyong pamilya

Parehong nagmamahal
Totoo at seryoso
Ngunit patuloy kong tanong

Mahal ko o mahal ako?

Yung taong mahal ko na sinusundan ko ng tingin
Kahit malayo syay nais kong silayan
Sulyapan yung mukha nyang nagbibigay sakin ng inspirasyon
Hindi ko alam kung akoy mahal nya ba ?
basta sa puso ko
syay mahal ko.

Yung taong mahal ako na nakakainis
Sapagkay kahit akoy todo iwas
Syay di natitinag
upang saki'y mangulit
Kahit akoy magsungit
tila sya pay mas naaakit.
Pag nakikita ko ang kanyang mukha
Akoy naiirita
Tila ayaw ko syang makita
Ngunit nang aking natanto ang kanyang kabaitan
Akoy nagdamdam at pakiramdam koy panghihinayang.

Nakita ko yung taong mahal ko na may kasamang iba
Pero kaibigan lang pala nya
Akoy isang selosa
At ang mahal ko ay akin lang sana.

Pag nakikita ako ng taong mahal ako abot tenga ang ngiti nya
Ano bang problema nya?
Di naman ako masyadong maganda.

Pero yung taong mahal ko
Alam ko,
Na kahit wala akong pruweba
Na akoy mahal nya
Ang mahalaga akoy pinasasaya nya
Hindi ko alam
kung kaya ko ding mahalin
ang taong mahal ako
Na parang ako
Parang ako na
Naghihintay din sa taong mahal ko
Sinusubukang isipin
Kung sinong dapat piliin
May pagasa kaya ako sa taong mahal ko?
O bibigyang pag asa ang taong mahal ako?
MAHAL KO O MAHAL AKO?

..pili n guys...haha..comment down..👇👇👇👇👇

See More

Para sa aming bagong kaibigan...

Daniella

Ang babaeng kilay is life ...
Pag nakita ko sya akoy umiinom ng sprite
E kase naman ang taas ng aking pride
Yung kilay nyang nakaka akit gusto kong ahitan at i try
I try kung gagana din sakin ang magandang kulay Ng kanyang kaakit akit na kilay
Nung unang beses ko syang makita akoy nagtaray
Dahil ansama ng tingin sakin ng mata nyang nananaray
Gumanti ako at syay inirapan.
Haha ang sagot nya sakin
Gusto nya daw akong kaibiganin
Oo nalang ang sabi kot syay lumapit sakin Peram ako ng iyong pang ahit
Pang ahit sa kilay at yang mataas mong kilay ating ahitin
Aba aba aba ang aking sinabi
Close na ba kami?
Haha..nagtawanan nalang kami
3rd yr college na ngayon Ako at si daniella Marami na ding nagdaan at kami ay naging close na nga
Kasama na sya ng kaibigan naming si carla
At kasali na nga sa grupong masaya
Hindi ko alam Pero masaya kaming kasama sya
Ang ganda na ng kilay nya
Mas maganda nung una ko syang nakita Ngayon ay masaya kaming kinaibigan sya
At naway maging mabait ako sakanya
Sa kilay nyay akoy natutuwa
Mukang talo nya ang tropang di marunong mag suklay
Natutuwa ako sa pagbabago nya
Mula sa pagkikilay Hanggang pananamit ay dalaga na sya
Sya ngay tunay nang babaet Inlove na sa lalake
Kinikilig at nakikisabay na din saming tumili
At bungisngis na din tulad ni bes angie
Mahal ko ang nadagdag na kaibigan
At ang nais ko lang sabihin
Ay salamat para sa bago at katanggap tanggap na kaibigan.

See More