Photos
Posts
Bahay Na Bato (Ampunan ng mga nababato) added 45 new photos to the album: S.T.U.P.I.D. (CYBERSERYE)AUTHOR: ATHENA ADAMAS — with Jen Jen and 62 others.

S.T.U.P.I.D. (SMART, TALENTED, UNIQUE PERSON, IN DEMAND)

Image may contain: 2 people
Bahay Na Bato (Ampunan ng mga nababato) is with Fj Zared Laqui and 38 others.

Chapter 5:

Author: Athena Adamas

...

Nang tatangkain na ni Beryl ibaba si Ashley, kumaway ang bata kay May sa likuran nito.. at napangiti’t kumaway na rin si May, napalingon si Beryl para ngitian ang taong kinawayan ni Ashley at nagkatama ang kanilang paningin..

Namuo ang pawis ni Beryl sa kaba…. At nagsalita pa uli si Ashley “daddy, daddy.. ihi na si ako..”

(Joey’s POV)

Paktay nalagot na.. si insan nga ito.. haist! Pano siya nagka-anak nang di ko nalalaman..

“Beryl, sabihin mong nananaginip lang ako? How could you do this to me? Buong akala ko binata ka’t walang anak..!” ang galit na sambit ni May at napalakas ang boses nito…

Nagkataong umalis sa kinauupuan si Princess dahil merong batang makukulit sa unahan kaya umalis ito pansamantala..

Habang si Jana ay tinawag ng isang madre para ayusin ang mga bag para sa donasyon mamaya sa kalagitnaan ng misa..

Buti na lamang at di pa nagsisimula ang misa..

“Please lower your voice May and let me explain..” ang mahinang sambit ni Beryl

“daddy, wiwi na sabi ako eh! Huhuhu” ang naiiyak na sambit ni Ashley

“hindi pwede magsinungaling ang bata, tinatwag ka niyang daddy, yan ba ang walang sabit ah? Ano na naman bang kasinungalingan ang ipapaliwanag mo Beryl?? Pagod na ko..” ang sambit ni May at nagwalk out na ito…

“wait May!”

“daddy!!”

“can you please shut up! Kasalanan mo to!” ang sabi ni Beryl kay Ashley at inabot kay Joey ang bata para habulin si May, lalong umiyak si Ashley at nagkatinginan na ang mga madre’t sina Princess at dali dali itong lumapit..

“anong nangyari?” ang sambit ni Princess kay Joey

“ah may problema lang po siyang aayusin, wag po kayong mag alala..ako na pong bahala muna dito sa bata…. Hi, cutie baby, tahan na.. wag na si ikaw iyak.. andito na si uncle Joey.. mwahhh!” ang sambit ni Joey ngunit nang biglang nakaramdam siya ng mainit at basa sa kanyang damit.. at nagsalita uli ito “Shocks naman!! Binasbasan mo ko agad, di pa nga nagsisimula ang misa.. haist.. sayo na nga po muna ito’t uuwi na lang ako.. ang panghi ko na..” at saka inabot kay Princess si Ashley

“bad Ashley, bakit mo ginawa yon?” ang sambit ni Princess

“sabi ko kanina pa, iihi si ako.. daddy ang bad, hindi ako..” ang sambit ni Ashley at pasinghot singhot pa ito dahil galing sa iyak..

“Sige po mauna na po ako ah.. pasensia na po.. uhmm may tanong lang ako.. anak ninyo po ba ang bata na yan at ng pinsan ko??” ang sambit ni joey dahil baka mayroong di naikukwento si Beryl about sa may anak na pala ito sa ibang babae..

“naku ginoo hindi!! Hindi namin to anak.. nagkataon lamang na hawig ni Beryl ang yumaong ama ng batang ito.. kaya nakiusap kaming samahan para makapagsimba ang batang ito..” ang sambit ni Princess

“ah ganun pala.. haist, akala ko naglilihim na ang insan ko.. salamat sa iyo miss ah..” ang sambit ni joey

“ayaw ko n kay daddy, bad siya.. di niya ko love“ ang tampong sambit ni Ashley

Yumuko si Joey para kausapin si Ashley.. “wag kang magtampo kay daddy, may problema lang siya.. intindihin mo na lang ah..pero love ka nun.. promise! Appear?” ang sabi ni joey at inalok na makipag appear sa kanya

Nag appear naman si Ashley at ngumiti na rin ito..

“aalis po muna ko ah.. di na muna ko mkkpagsimba.. di ko matagalan ang ihi sa damit ko.. pasensia na..” ang paalam ni Joey kay Princess

“pasensiya na sa abala ah.. mag ingat po kayo” ang sambit ni Princess

Sa kabilang banda…

Hinahabol ni Beryl si May…

“May! May.. can u please let me explain first.. hindi iyong ganyan nagagalit ka agad…” ang sabi ni Beryl

“paanong hindi ako magagalit..? may anak ka na pala. Kung sinabi mo pa skin nung una pa lang, baka matanggap ko pa.. hindi iyong ganto, pinaabot mo pa ng ilagn taon, bago ko nalaman..” ang sambit ni May

“hindi ko siya anak..”

“Beryl, mahiya ka sa sinasabi mo.. bata iyon.. masakit kapag tinatanggi ka ng sarili mong ama..”

“hindi ko siya tinatanggi dahil iyon ang totoo May..”

Habang nagtatalo ang dalawa sa labas ng simbahan.. sakto namang parating si Sister Sonia na agad din naman nila napansin kaya tumahimik saglit ang dalawa..

“hello po Sister Sonia..” ang bati ni Beryl

“malapit na magsimula ang misa iho’t iha.. bakit di pa kayo tumuloy sa loob..?” ang tanong ng madre

“may importante lang pong pinag uusapan.. saka po baka di n ko mkabalik, di n po ako nakapagpaalam ng maayos kay Ashley, maraming salamat sa mainit na pagtanggap.. ” ang sambit ni Beryl..

“ganun ba? Osige kung anuman iyang problema nio, ayusin nio muna.. at Beryl, paminsan minsan pasyalan mo si Ashley ah.. dahil kung di dahil sa iyo, hanggang ngayon di pa rin makausap iyong batang iyon.. buti na nga lang talaga kahawig mo ang ama niya..maraming salamat sa iyo at pagpalain ka ng Diyos.. maiwan ko muna kayo’t magsisimula na ang misa..” ang paalam ni Sister Sonia..

“walang anuman po..”

Narinig lahat iyon ni May at humupa ang kanyang galit kay Beryl, bigla nia itong niyakap..

“Sorry neyko..pinaghinalaan pa kita.. natakot kasi ‘kong lokohin mo ko eh… akala ko tlga may anak ka na.. “

“naku wag tayo dito magyakapan, pasok tayo sa kotse.. ikaw kasi wala kang tiwala sa akin.. ang bait bait ko nga eh.. tapos ginaganyan mo ko..” ang tampu tampuhang kunwaring si Beryl..

At pumasok nga sila sa kotse ni May, natakot si Beryl baka Makita sila ni Princess at masira pa diskarte nia..

Sakto namang palabas na ng mga oras n yun si Joey at kinatok nito ang salamin ng kotse ni May..

“Insan, pahiram ng kotse, uwi na ko sa tin, naihian ako nung anak anakan mo..” ang sabi ni Joey

“haha! Panghi mo! linisin mo ang kotse ko pagktapos..” ang sambit ni Beryl

Pagsara ng bintana ng kotse..

“neyko, pag kinasal tayo, ampunin natin yung bata.. ang cute eh..”

“naku wag na.. gagawa na lang tayo… mas cute pa.. tara uwi na tayo, parang nasa mood akong gumawa ngayon…”

“tigilan mo nga ko, di pa ko magaling.. may lagnat pa din nga ako..”

“edi tanggalin natin ang init na yan.. dali na..” ang lambing ni Beryl

At pinatakbo na ni May ang sasakyan…

Kinabukasan…

Sa billiards..

Tumambay ang magpinsang Joey at Beryl..

“Insan, bilib din ako sa iyo eh noh.. nabola mo si May… pagdating sa bolahan, panalo ka talaga.. samantalang ako torpe..” ang sambit ni Joey

“hahha.. kuha ko na ang kiliti ng mga babae noh.. gusto nila ang mga sweet-nothings..”

Nang biglang nag ring ang phone ni Beryl..

“Si daddy tumatawag..” ang sambit nia..

“oh bakit di mo sagutin?”

“naku, ipipilit lang niyang makipagbalikan ako kay Maureen..”

“hanggang ngayon, talagang pati lovelife po, sinasali nia sa business..”

“siempre, pag di ko pinakasalan si Maureen, mapipilayan ang kumpanya namin.. dahil malaki ang naiaambag ng pamilya nila sa kumpanya namin..”

…….

Sa kabilang banda..

Habang nasa school si Princess, para sa pagsubmit ng mga documents dahil malapit na ang graduation.. pagbukas niya ng bag, ay may nalaglag na sulat at nang pinulot niya ito’t binuksan..

Hi Esseng,

Sa sabado, kikidnapin kita ah.. may sahod na ko.. date tayo..

Echo

“haist, paano kaya nia nailagay ito sa bag ko nang di ko namamalayan… talaga tong lalakeng to..” napangiting sambit ni Princess..

Nailagay pala ni Echo ang sulat na iyon habang papasok si Princess sa school, nabuksan niya’t nailusot sa bag ang sulat nang di nito napapansin..

See More
Posts
Isang dalagang lumaki sa bahay ampunan at may pangarap na maging madre, paano sila magkakainlove-an ng isang babaeron...
wattpad.com

CHAPTER 4 NUN OF THEM

Image may contain: 2 people
Bahay Na Bato (Ampunan ng mga nababato) is with Lenie Macatbag Jacinto and 38 others.

Chapter 4:
Author: Athena ADamas

“wahhhhhhhhhh!!!” ang patuloy na pagsigaw ni Princess dahil lalo siyang kinabahan ng palapit na lalo si Beryl sa kanya at may h...awak pa itong tubo..

Tinakpan bigla ni beryl ang bibig ni Princess saka nagsalita ito “hoist! Can u please keep quiet! Baka sabihin nila, may ginagawa akong masama sa iyo.. Santisima, si Beryl to? Di mo ba ko natatandaan?”

Nang masiguro ni Beryl na huminahon na si Princess, saka nia binitawan ang kamay niya sa bibig ni Princess At naghunos dili na si Princess saka nagsalita..

“Anong ginagawa mo dito? Akyat bahay ka ano? Saka hindi nga po Santisima name ko..”

“alam kong hindi Santisima name mo, pero ang cute kasi eh.. hehehe! Kaya wag kang magalit kung Santisima itawag ko sa iyo.. hindi ako akyat bahay, inaayos ko lang sira ng lababo niyo dito sa banyo..” ang tugon ng binata..

“wag mo kong tawaging Santisima.. Pakiusap, Princess na lamang po”

“hahaha! Tatawagin pa rin kitang Santisima kapag nagsusungit ka sa akin.. “ ang biro ni Beryl at kahit pawis ang binata, kitang kita ang kagwapuhan nito’t may nakakaakit na mga ngiti’t pantay at maputing mga ngipin..

Naiilang si Princess dahil nakahubad si Beryl at basa pa ng pawis ito kung kaya’t nataranta siya habang binubuksan ang pinto, sa sobrang tense niya di nia magbuksan ng maayos ang pintuan kaya minabuti na lamang ni Beryl na siya ang magbukas nito..

Pagbukas ni Beryl, saktong padaan ang mga madre na galing sa pagtuturo sa mga bata at nadaanan nila ang CR.. at bumungad sa kanila si Princess at Beryl na palabas ng banyo.

Sabay sabay na nag sign of the cross ang tatlong madre na nakakita kina Beryl at Princess at nanlaki ang mga mata sa pagkagulat.. sabay sabay din silang tumalikod dahil sa nakalantad na katawan ni Beryl

“sus maryosep! Patawarin nawa kayo ng Panginoon! “ ang sabi ni Sister Maria habang nakatalikod kina Beryl at Princess

“anong ginagawa ninyo sa loob mga bata? Bakit nakahubad ka ginoo? At ikaw Princess bakit nandyan ka?” ang tuloy tuloy na tanong ni Sister Sonia at nakatalikod din ito habang nagsasalita

Natakot ng husto si Princess at parang gusto niyang matunaw sa hiya sa mga madre dahil di niya alam paano ipapaliwanag sa mga ito..

Di pa man sila nkakasagot sa tanong ni Sister Sonia, biglang dumating na si Jana..

“oh bespren, dumating ka na pala..awww! anong nangyari?” ang gulat ni Jana dahil andon ang mga madre, habang magkasama naman si Beryl at Princess sa pintuan ng CR, bagamat nagtataka siya, pero napangiti ito dahil kita pa nyang walang damit pang itaas si Beryl

“Jana, may kinalaman ka ba dito? Sino itong lalakeng ito?? Bakit nandito yan sa bahay ampunan .. boyfriend b sya ni Princess?? Magsabi ka ng totoo” ang tanong isa pang madre kay jana

“naku sister Teresita, hindi po kami magboyfriend, mali po iniisip niyo.. “ ang biglang dipensa ni Princess

“naku sister, sorry busy po kasi kayo lahat kanina. Hindi ko po nabanggit sa inyo na wala po si Mang kanor kaya sya po ang nag ayos ng CR natin..” ang sabi ni Jana

“Im very sorry po Sister kung nagambala ko po ata kayong lahat.. I don’t have bad intensiyon po talagang inayos ko lang po ang lababo ng Cr ninyo at wala po kaming ginawa ni Princess sa loob, di niya po alam andun ako at di ko rin po alam na papasok siya dahil nakatalikod ako nung inaayos ko ho yung lababo .. paumanhin..” ang paliwanag ni Beryl pero nakangisi ito’t tumitingin kay Princess dahil naaliw siya sa mukha ng dalaga dahil alam niyang matinding kaba na ang nararamdaman nito…

“uhmm beryl .. yung ano .. damit mo..” ang sabi ni Jana na pasenyas senyas ito na suotin niya na ang tshirt niya.. at ginawa naman ni Beryl ..

“ok.. naniniwala ako sa sinasabi mo Jana at sa iyo ginoo.. sana hindi na to mauulit, alam mo namang lahat kami dito ay konserbatibo kaya kelangan mo iyon respetuhin.. “ ang sabi ni Sister Sonia

“opo naiintindihan ko po.. nirerespeto ko po ang paniniwala ninyo.. uuwi na po ako..”

“teka, hindi ka pa namin nababayaran ginoo.. magkano ba?” ang sabi ni Sister Maria

“wag na po, libre na para sa inyo..”

“naku maraming salamat ginoo, pagpalain ka ng ating Panginoong Diyos” ang sabi ni Sister Teresita

Nanatiling tahimik pa din si Princess dahil sa matinding kaba nito’t panlalambot sa nangyari..

“hatid na kita sa labas..” ang presinta ni Jana..

Di pa man nakakalabas si Beryl nang biglang may tumakbong batang babae sa kanya’t niyakap siya…

“daddy!!! Daddy!!” ang yakap ng 3years old na bata sa legs ni Beryl..

Pilit na tinatanggal ni Beryl ang kamay ng bata, wala kasing hilig to sa bata kaya medyo iritado siya..

“naku Ashley, hindi siya ang daddy mo..” ang biglang pag tangkang pagkuha ni Princess sa bata..

“Ginoo, maaari bang mamaya ka na umuwi? Sumabay ka na sa amin maglunch at may misa mamayang hapon, kung maaari samahan mo na rin kami.. ang batang iyan ay di nagsasalita mula ng dumating iyan at malungkutin.. pero nang Makita ka nya, bigla itong nagsalita, napansin ko ngang medyo hawig mo ang kanyang yumaong ama.. kaya kung hindi nakakaabala sa iyo.. maaari mo ba kaming samahan, para makasama ka pa ng matagal ni Ashley..??” ang sabi ni Sister Sonia

(Beryl POV)
Haist, sa dinami dami ng kamukha, ako pa naging kamukha ng tatay nito, nagkaroon pa ko ng instant anak.. kung di ko lang type tong Santisima na to, di ako magtiyatiyaga sa kanya.. dami daming babae dyan.. haist..

“ok sige po sister, nandirito na rin lang ako, dito na muna ko hanggang sa kelangan nio ko..” ang sabi ni Beryl at saka binuhat si Ashley at napayakap ang bata sa kanya na halatang sabik na sabik sa ama si Ashley na di na lang din nagpahalata si Beryl na iritado ito..

Nagluto na rin sina Jana at Princess, habang ang mga madre tinitipon na ang mga bata para makaglunch na.. habang si Beryl naman ay naging baby sitter ni Ashley at doon pa lang nila nakikitang ngumingiti’t tumatawa si Ashley habang pinaglalaruan ang ilong ni Beryl..

Sabay sabay silang nagdasal bago kumain at tahimik nilang itinapos ang kanilang tanghalian..
Makalipas ang ilang oras nagpasya na rin silang mag ayos para pumunta sa simbahan at magsimba..

Sa kabilang banda…

“May, napadalaw ka?? Diba may sakit ka?” ang sambit ni Joey at nagulat ito nang biglang sumulpot si May sa condo nila ni Beryl..

“Nasaan si Beryl?? Medyo kaya ko ng lumabas, parang gusto ko kasi magsimba eh.. kanina pa ko tumatawag sa kanya pero hindi niya sinasagot..” ang sabi ni May

“Naku,hindi ko alam kung nasaan siya eh.. gusto mo samahan na lang kita magsimba..” ang sabi ni Joey

(Joey’s POV)
Hindi naman siguro magsisimba si insan ngayon.. kilala ko iyon, di iyon palasimba.. at nag lunch out sila ni Lyn kanina.. haist nasaan ba yon, di ko naman kasi naitanong sa kanya eh.. malay ko ba biglang susulpot tong May na to.. haist.. ano na gagawin ko..

“nasaan na naman kaya yung lalakeng iyon, alam na nga niyang may sakit ako, ni hindi man lang ako madalaw.. sige na nga, kung di ka busy at di nakakaabala sa iyo.. samahan mo na lang akong magsimba..” ang sabi ni May kay Joey..

“sure, sige wait, magbibihis lang ako..” ang sabi ni Joey

Habang nasa kwarto si Joey, tinext na niya si Beryl na wag pupuntang simbahan dahil pupunta sila ni May

Sa kabilang banda..

Pinapalaro pala ni Beryl ang celfone niya kay Ashley nang biglang may nagtext, accidentally napindot ni Ashley ang message at bumukas ito’t nadelete niya na di napapansin ni Beryl dahil busy itong nakipag usap kay Jana nang may itinanong ang dalaga sa kanya..

“uy salamat Beryl ah, akala ko di ka marunong mag ayos ng lababo, mukha kasing napakalambot ng kamay mo” ang banat ni Jana

“haha, akala mo lang iyon.. kami lang kasi ng pinsan ko sa condo at pag may sira, kami kami lang din nag aayos..”

“Beryl, Jana, aalis na tayo.. Ashley, ako na magbubuhat sa iyo..”

“ayaw!! Daddy.. ayoko.. gusto ko sa daddy ko..” ang mahigpit na yakap ni Ashley kay Beryl

“its ok Princess, ako na magbibitbit kay Ashley,” at tumayo na si Beryl para pumunta na sa simbahan at kinuha na ang celfone at inilagay na niya sa bulsa niya..

Pagdating sa simbahan..

Nauna dumating sila Beryl..

Nasa unahan sila kasama ng mga iilang bata sa bahay ampunan..

Walking distance lang kasi ang bahay ampunan sa simbahan..

Dumating na rin sila May at Joey..

“joey, don tayo sa bandang unahan.. gusto ko kasi makinig mabuti sa misa..” ang sabi ni May.

“ok , no problem.” Ang sabi ni Joey

Sa likuran ni Beryl umupo sila May at Joey..

Katabi naman ni Beryl si Jana, at sumusunod si Princess…

(Joey’s POV)
Parang kilala ko ang likod na to.. si insan ba to? Sinabi ko naman sa kanya wag siya pupuntang simbahan.. siguro naman nabasa niya yon..

(May’s POV)
Ang cute ng batang bitbit nitong lalakeng to.. sana maikasal na rin kami ni Beryl para magkaroon kami ng gantong ka-cute na baby.. at ang tatay niya saktong pareho pa sila ng tindig ni Beryl..

“daddy! Daddy.. naiihi po si ako” ang sabi ng 3 years old na si Ashley

“naku, naiihi ka na? sige wait lang baby ko, ibababa ka na ni daddy” ang sabi ni Beryl

(May’s POV)
Parang boses ni Beryl iyon ah.. di naman siguro.. binata si beryl ang alam ko.. wala siyang anak…

See More

AVAILABLE NA PO SA WATTPAD ANG NUN OF THEM CHAPTER 4..

Isang dalagang lumaki sa bahay ampunan at may pangarap na maging madre, paano sila magkakainlove-an ng isang babaeron...
wattpad.com

CHAPTER 3 OF NUN OF THEM

Image may contain: 2 people, text
Bahay Na Bato (Ampunan ng mga nababato) is with Zenah Merc and 39 others.

Chapter 3:
Author: Athena Adamas

Sa kabilang banda..

...

Habang si Jana magkasama sila ni Beryl papuntang bahay ampunan..

Si Princess naman ay Namamalengke nung mga oras na iyon, siya kasi ang nakatoka ngayon.. siya at si Jana na ang tumutulong sa mga madre sa pag aalaga ng mga bata sa bahay ampunan..

Naging kaakibat na sila ng mga madre since maliit pa lang sila ayaw na nila humiwalay sa madre kahit may mga gustong umampon sa kanila.. lalo na si Princess at dahil bestfriend sila ni Jana.. ayaw rin nitong humiwalay kay Princess..

Habang namamalengke ito’t namimili ng gulay..

Biglang may tumutok ng matulis na bagay sa kanyang likuran at nagtakip ngkanyang mata..

Bigla siyang kinabahan ng husto’t namuo ang mga pawis ni Princess..

Saka naramdaman niyang lumapit ang mukha ng binata sa kanyang tenga dahil ramdam nito ang hininga at saka nagsalita..

“holdap to, wag kang kikilos.. kundi hahalikan kita..” ang sabi ng binata..

Saka kumilos si Princess at pinaghahampas ang binata..

“pambihira ka ekong, pinakaba mo ko!” ang sambit ni Princess dahil nabosesan nito ang binata

“ha!ha!ha! hanggang ngayon di ka pa rin sanay sa akin, di mo pa rin kabisado amoy ko, huli ka na naman sa bitag ko!” ang sambit ng binata, bagama’t mukhang madungis ito, maaaninag mo pa din ang kanyang maamong mukha at kamachohan sa hapit niyang tshirt na black at naka pantalon na kupas na may butas sa bandang tuhod..

“naloko mo parin ako, kahit kelan ka talaga.. kamusta ka, aking kaibigang ekong! Nawa’y nasa maayos kang kalagayan, lagi kitang pinagdarasal..” ang sambit ni Princess

“haist! Eto na naman tayo, ang madre kong kaibigan.. Princess, di na tayo bata, kaya wag mo kong tawaging ekong.. echo naman para kahit papaano sa pangalan eh maging gwapo naman pakinggan.. gusto mo tawagin kitang Esseng lampa?” ang pang aasar ng binata, habang nakangiti ito’t di pinagdamot ang dimple sa kaliwang pisngi..

“sige na nga.. echo na po.. basta wag mo na kong asaring Esseng lampa.. hehehe..” ang sambit ni Princess..

“oh, ako na magbibitbit niyang pinamalengke mo’t samahan na kita pauwi..” ang sambit ni Echo..

Habang naglalakad, nag reminisce sila ng kanilang masasayang araw nila nung kabataan nila..

“Ang bilis ng panahon ano.. dati rati, ako ang mas matangkad sa iyo.. ngayon nalampasan mo na ko.. binata ka na ekong..” ang sabi ni Princess..

“Anong ekong ka dyan.. echo sabi eh..”

“haha.. ok sorry.. echo na kung echo..”

“oo naalala ko kung paano tayo nagkakilala.. field trip niyo ata non, dinala kayo ng mga madre sa National Museum .. at nang pauwi na kayo, nakita mo kong umiiyak sa gutom, inabutan mo ko ng tinapay mo at zest’o, napahiwalay ka tuloy sa kanila at naiwanan.. di ko makakalimutan ang kabaitan mong iyon Princess, kaya tumatak sa utak ko yon.. hanggang ngayon..”

“salamat at naappreciate mo iyon Echo, buti na nga lang at kabisado mo pabalik sa bahay ampunan.. pero ipinasyal mo muna ko sa luneta.. hehehe..at first time kong maexperience na mamalimos tayo para may pamasahe lang tayo pauwi..”

“siempre, gala ako.. kaya nga isa ako sa mga tinatwag na street children eh.. kabisado ko ang bawat kalye..”

“eh ikaw kasi eh, ayaw mo pang sumama sa bahay ampunan..”

“buti kung makakasama kita.. eh puro kayo babae don, dadalhin naman ako sa ibang lugar.. di pa kita makikita.. masaya na kong ganto.. at may chance na mahanap ang mga magulang ko.. ”

“nahanap mo na ba sila?”

“oo, pero hindi naman sila natuwang nakita ako.. ang tatay ko may sarili ng pamilya at kamamatay lang last month dahil sa sakit sa puso, ang nanay ko naman nalulong sa droga at nakakulong.. kaya eto may sarili na kong buhay, salamat sa iyo.. hindi magiging maayos ang buhay ko kung hindi mo ko inalalayan.. at nagtiyagang turuan ako magbasa gabi gabi..” ang sambit ni Echo

Noong bata kasi sila, umaakyat lagi si Echo tuwing gabi pagtulog na ang lahat sa bahay ampunan at sa hardin sila nagkikita ni Princess, lagi siya tinuturuan ni Princess sa hardin.. habang si Echo nakatago sa mga halaman..

Nahuhuli ni Sister Sonia si Princess noon at napagkakamalang nakakakita ng kakaiba nilalang kaya nagsasalita ito mag isa sa hardin..

“naalala ko pa noon, ang tindi mo magmura.. hehehe! Ngayon good boy ka na..” ang sabi ni Princess

“paanong hindi ako magiging goodboy, ayaw mo makipagkita sa akin kapag nadudulas ako’t napapamura.. naalala ko noon, kung ilang beses ako mgmura, iyon din ang araw na di ka nakikipagkita.. hahah.. loko ka rin eh..”

“atleast effective diba.. tumino ka.. hahaha..”

“kaya sa kabutihan mo, umayos ang buhay ko’t tama na ang landas na tinatahak ko.. ngayon may matinong trabaho na ko sa isang factory..” ang sabi ni Echo..

“masaya naman ako’t maayos na rin ang kalagayan mo.. kaya tuloy ang dalang mo na dumalaw eh.. hehe.. dapat itreat mo ko sa sahod mo..” ang pabirong sambit ni Princess

“oo ba, pag iipunan ko ang date natin..” ang sabi naman ni Echo..

“oh paano, paalam na ah.. baka nagugutom na mga alaga ko.. hehe” ang sabi ni Princess at nagpaalam na rin ito..

“teka lang!!” ang sabi ni Echo na papasok na sana si Princess sa gate..

“ano iyon..”

Sabay piningot ang ilong ni Princess at tumakbo si Echo..

“pambihira ka talaga Echo, pinagtripan mo na naman ang ilong ko..!!” ang sigaw ni Princess

“hahaha!!! Nahuhulog ka pa rin sa patimbong ko.. kahit kelan ka talaga, di ka mananalo sa akin! Sige na bye na Esseng lampa!” ang sigaw ni Echo’t winagayway na rin ang kamay bilang tanda ng pagpapaalam!

….

Sa kabilang banda..

Andon na pala kanina pa si Jana at si Beryl..

“Beryl, bahala ka na muna dyan sa CR ah, maiwan muna kita, sisilipin ko lang ang mga bata… basta ayusin mo yan mabuti ah..” ang sabi ni Jana..

“ok no problem, kaya ko to..” ang sambit ni Beryl at nainitan ito’t hinubad ang kanyang TShirt at basang basa na ito ng pawis, kitang kita ang mga mala pandesal niyang muscles, at inaayos nitong maigi ang lababo sa banyo..

Umalis saglit si Jana’t pumunta sa mga bata’t binantayan.. Di nito namalayang dumating na pala si Princess..

Dumeretso sa kusina si Princess at inalapag ang mga pinamili..

Nakaramdam ito ng pagka-ihi kaya pinlanong sumaglit sa CR

Di namalayan ni Princess na may tao sa banyo pero pumasok pa din ito’t isinara ang pinto, pagktapos niyang isara, at napalingon na ito, sakto namang din kakatayo lang din ni Beryl at palingon na rin ito para sa bihin kay Jana na ayos na..
Nagkabangaan sila’t nagkaharapan..

Halos konting pagitan lamang ang kanilang layo sa isa’t isa nang magkaharapan sila,

Kitang kita ang itaas na katawan ni Beryl at basa ng pawis at lutang ang mapang akit na mga muscles..

Napasigaw at napatili si Princess

“haaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!” ang sigaw ni Princess sa gulat at napapikit..

See More

LALABAS MAMAYANG 7PM PINAS TIME SA BNB..

IF U WANT ADVANCE READING.. PLEASE CLICK THIS LINK..

Isang dalagang lumaki sa bahay ampunan at may pangarap na maging madre, paano sila magkakainlove-an ng isang babaeron...
wattpad.com

Well Well well.. ang lola nio bumabalik uli para umaribaaaaaa… actually ang ikukuwento ko ngayon ang aking mga embarrassing moments, bigla ko lng naisip na un ang itopic ngaun because of my experienced this week lng, ok simulan na ang chokaran natin mga veklah…

5 MOST EMBARRASSING MOMENTS KO…
mga kahihiyan sa buhay ni Athena Adamas

...Continue Reading
No automatic alt text available.
Image may contain: 3 people
Bahay Na Bato (Ampunan ng mga nababato) is with Jewel Jhen and 22 others.

PAKNERS IN CRIME (AMATZ & KULAS)
Chapter 44:
Author: Athena Adamas

Sa Kabilang banda..

...

“ma’am Rowenalyn, ano ba gagawin natin dito sa simbahan,.” sabi Ni yaya

“magsashopping!!! Tanga mo talaga! Ano pa ba ginagawa sa simbahan, edi magdadasal..!” ang inis at pilosopong sagot ni Rowenalyn

“at bakit dito pa sa baclaran at hindi sa lugar natin, kelangan pang dumayo tayo dito… saka ano iyang suot mo’t naka motorcycle knee pad ka pa,??” ang sagot muli ni yaya

“wag ka ng maraming satsat, lumuhod ka na’t magdadasal tayo… “ ang sabat ni Rowenalyn..

At nakita nga ni yaya na nagdadasal na si Rowenalyn habang naglalakad na nakaluhod..

“ah… kaya naman pala may knee pad ka, para maproteksyunan ang tuhod mo, ang daya talaga nito ni ma’am.. ma’am rowenalyn..kayo na lang po magdasal, kasi wala naman ako knee pad eh…”

“pag ako nabwisit lalagyan ko ng asin ang luluhuran mo.. bilisan mo na magdasal na tayo para mas epektib..”

“eh ano po ba pinagdadasal natin..”

“huhuhu!! Na sana, mapatawad na ko ng anak kong si Amatz, simula nang malaman niang kinuha kong secret bodyguard si KUlas di nia na ko pinapansin.. inaalala ko lang naman ang kanyang kaligtasan eh…” ang sabi naman ni Rowenalyn..

“huhuhu!!!” ang iyak ni yaya

“naiiyak ka rin ba para sa akin? Nakakaaawa ako di ba?? Kaya ipagdasal mo n asana mapatawad na ko ni Amatz” ang sabi ni Rowenalyn

“di po ko naiiyak dahil naaawa ko sa inyo, naiiyak ako dahil naaawa ko sa tuhod ko.. huhuhu!! Ang sakit sakit na eh… ang layo pa bago pa tau makarating doon.. huhuhu!!” ang iyak ni yaya dahil nasasaktan na siya sa paglalakad ng nakaluhod..

……

Sa kabilang banda…

Habang pauwi si Amatz..

Sumusunod sa kanya ang mga tropa niang babae..

“Amatz, napansin ko ata, di pumasok si pakner kulas mo ah…” ang sabi ni Lani

“oo nga, nag away ba kayo?” ang sabi naman ni Bernadette

“nakakainis kasi siya.. biruin mo secret bodyguard ko pala siya.. akala ko pa naman tunay siyang kaibigan.. yun pala, pera lang habol nia sa akin..” ang malungkot na sambit ni Amatz

“sigurado ka ba dyan??? Pinakinggan mo na ba side nia?? Yun ba ang sabi nia?” ang sabi ni Thinkerbell

“hindi ko na kelangan pang marinig ang side nia.. malinaw ang narinig ko sa pag uusap nila ng mommy ko.. inaabutan na siya ng pera, at tinatanggap nia na to… ibig sabihin, hindi totoo ang mga ipinapakita nia sa akin.. pera lang tlga kelangan nia sa akin..” ang sabi pa ni Amatz

“sana pinakinggan mo muna side ni Kulas, baka meron siyang dahilan kung bakit nangyayari yon..” ang sabi ni Anna

“oo tama sila amatz, kasi parang sa nakikita ko naman kay kulas, totoong kaibigan siya..” ang sambit naman ni Rich

……

(Kulas scene)

“uhmmmm, ililibre ko na lang kayo ng taho!! Wag na kayong magalit!!” ang sabi ni Kulas sa dalawang holdaper

“tigilan mo kami!!! Pwet mo kelangan namin!! At isisiksik naming yang paninda mo sa pwet mo!! Kasalanan mo bakit kami naging sakang! “ ang inis ng holdaper

(kulas POV)
Paktay na, ano na gagawin ko! Lulunok ba ko ng bato’t sisigaw ng darna! O magpapanggap na may epilepsy ako’t mangingisay dito sa harap nila para di matuloy o di kaya sisigaw ako ng rape! Rape! May maniniwala naman ba kaya?

“tingnan nio!! May palakang lumilipad!!” ang biglang sigaw ni Kulas at itinuro ang langit!!

“luma na yan!! Gasgas na yan sa TV!!” ang sabi ng isang holdaper at hindi nadala sa panggulat ni Kulas para makatakas

(Kulas POV)
Paktay na! di umubra ang naisip ko! Anong gagawin ko..


“ahh.. .. si fafa piolo dumadating!!!” ang sigaw ni Kulas

Napalingon ang mga holdaper

“nasaan?? Nasaan si fafa piolo??” ang taranta’t palinga lingang mga holdaper

Binato ni Kulas ang kanyang paninda saka tumakbo..

at nakahanap ng tiyansang makatakas..…

Hinahabol siya ng mga holdaper.. nakaramdam siya ng pagkamanhid sa kanyang daliri.. at nang Makita nia ito’y dumudugo, marahil nasabit sa kanyang panindang taho at patuloy pa rin itong tumatakbo..

Nang napansin niyang malapit na siyang maabutan ng dalawa, pumasok bigla ito sa ospital na malapit sa kanila..

“nurse!! Nurse!! Hinahabol ako ng mga holdaper!!” ang sigaw ni Kulas

“ikaw pa hinahabol ng mga holdaper??!! Diba ikaw dapat ang humahabol sa holdaper!! Baliktad yata!“ ang sabi ng mga nurse at nagkatawanan

“ahh ehh.. kasi wala kong pera kaya nila ko hinahabol!”

“hindi kaya ikaw ang holdaper?” ang sabi ng mga nurse

“hindi ho! Hindi ho ako ang holdaper!” ang dahilan at hingal na sambit ni Kulas

“eh bakit dito ka pumupunta.. hindi naman to police station!” ang sabi ng Nurse

“ahh ehh..—“ ang tanging nasambit dahil di malaman ang irarason at nang mapalingon sia sa bandang pintuang salamin ng ospital, nakita na nia ang dalawang holdaper na humahabol sa kanya’t nakita na siya..

Bigla niang naalala ang kanyang daliri…” ahh ehh! May sugat kasi daliri ko eh.. pakidala naman ako sa emergency room!” ang tanging naisip ni Kulas para maitago siya ng mga nurse

“hahaha! Eh daliri lang naman ang sugat mo bakit emergency room pa, eto ang band aid! Ayan! Ok na..” ang sabi ng Nurse at nilagyan ng band aid ang daliri ni kulas..

At nang malapit ng makapasok ang mga holdaper sa ospital, biglang nagpanggap na nahimatay si kulas at pangisay ngisay pa..

“naku! Baka natetano na ang mamang to, sige dalhin na yan sa emergency room!!” ang tarantang sambit ng nurse kaya naman binuhat bigla si Kulas at dadalhin na sa emergency room.. kaya naman napatigil ang mga holdaper at lumabas uli dahil wala silang tiyansang mahatak si Kulas..

Sa di inaasahang pangyayari, mayroon palang kaklase si Kulas na naroroon sa ospital dahil dinalaw nito ang kanyang nanay na may sakit at nang palabas na ito narinig niya ang nasabi ng nurse at itinawag nia ito sa mga kakilala nia sa school dahil nakilala nia si kulas..

..

Sa kabilang banda.. habang naglalakad ng mag isa pauwi si Amatz, narinig nia ang grupo ng mga estudyante na nag uusap..

“kawawa si Kulas, natetano daw, andun sa ospital at dinala sa emergency room!” ang sabi ng isang estudyante

“mukhang malala nga daw ang sakit dahil nangisay pa..”

“naku mamamatay na ata iyon, di na ata aabot..tsk..tsk.. kawawang kulas..” ang sambit ng isa..

(Amatz POV)
Naku, mamamatay na ang pakner ko.. hindi pwede.. kelangan ko siyang dalawin, bago mahuli ang lahat.. kahit ganun ginawa nia sa akin, hindi ko makakalimutan ang pinagsamahan namin.. ang masasayang moment ng pagkakaibigan naming dalawa.. haist.. sana may himalang mangyari’t gumaling ka, kahit pa sinabi ni ate guy na. “walang himala!” pero alam kong “may magic” kaya pakner kulas, wait mo ko, gagawin ko ang lahat para gumaling ka..

See More
Image may contain: 3 people, text
Bahay Na Bato (Ampunan ng mga nababato) is with Acho Xi Canserian Crisantenum and 21 others.

Chapter 43

Malungkot na naglalakad si Kulas, at napapaisip..

“haist! Kung kelan close na close na kami ng pakner ko, mawawala pa siya sa akin… di ko naman talag...a kelangan ng pera eh… ang gusto ko lang nung una, maibalik ang perang pinaghirapan ko.. pero pinilit lang naman talaga ko ng mama niya na gawing secret bodyguard nia.. haist.. magkakabati pa kaya kami?” ang pabulong na sambit ni Kulas habang pauwi..

Palumo-lumo itong naglalakad pauwi sa kanila..

Pagdating sa bahay..

“Kulas, hinanda ko na ang paborito mong ulam… kumain ka na’t tapos na kami ni Daisy” ang sabi ni Tiya Nac

“paboritong ulam ko?? Crispy pata???” ang panandaliang natuwang si Kulas at nakalimutan pansamantala ang problema..

“hindi… paborito mo ang tuyo diba??” ang sabi ni Tiiya Nac

“haist! Tuyo na naman.. oo paborito ko noon, pero inaraw araw nio, sinusuka ko na ngayon.. makatulog na nga lang..” ang sabi ni Kulas..

Sa Kabilang banda..

doon muna tumambay si Rich sa bahay nila Bernadette..

“balita ko, ayos na raw kayo ni Ryel ah..” ang sambit ni Rich..

“yup, pero nag aaral pa kami kaya, di ko muna sineseryoso masyado, sabi ko sa kanya, bestfriend bestfriend na lang muna kami.. para kung sakaling magbago feelings naming, di makaapekto sa pag aaral namin.. saka diba, nag apply ako sa Switzerland, plano ko kasi doon magpatuloy ng studies,andun kasi mga pinsan ko, saka matagal kong pangarap talagang makapag aral don”

“pero paano si ryel?”

“sis, kung talagang kami.. magiging kami.. bata pa ko at marami pang mangyayari kaya sa ngayon, bubuoin ko muna ang mga pangarap ko.. alam mo namang dati pa ito ang gusto ko diba,ang makapag aral sa ibang bansa..saka di pa naman sure kung matatanggap ang application kong makapag aral don.. basta sinubukan ko lang.. bahala na ang tadhana sa akin kung saan ako papalarin.. kung dito na lang ba talaga ako’t kasama siya o ako mag isa sa ibang bansa at bahala na kung magiging kami pa din sa huli..”

“sabagay.. ako sis, plano ko talaga mag madre.. alam mo na iyon noon pa..”

“pero paano si Carmilo, diba nanliligaw sa iyo iyon..?”

“naaaliw lang ako sa kanya kasi nakaktuwa siang kasama, pero wala talaga akogn feelings.. gusto ko ngang tulungan si Lani para sa kanya..”

“what do you mean tutulungan mo si Lani?”

“wag kang maingay ah.. narinig ko kasi na may gusto si Lani kay Carmilo, mas bagay sila.. saka noon pa man alam mong conservative na ko’t walang hilig sa lalake.. basta gusto kong maging madre..”

“sige suportahan kita dyan sisterret..naku, ayan lumagpas na ang nail polish.. hahah! Ang dadaldal kasi natin eh..”

“di naman kasi ako marunong gumamit nito.. ikaw lang kasi makulit, sabi ng wag mo na ko lagyan nito..”

“sige na, para maganda tayo pareho.. hehehe..”

….

Kinabukasan..

Di pumasok si Kulas, masyado niang dinibdib ang pangyayari kahapon …

Kaya naman pagpasok ni Amatz, alam niya kasing magkatabi sila kaya nakipagpalit siya ng upuan sa mga kaibigan nia.. wag lang makatabi si Kulas..

Pero nagulat siya, halos natapos ang klase na di nagpakita si Kulas..

(Amatz POV)
Mukha atang di nagpakita si kulas ngayon ah.. paano kasi.. guilty siya.. itinuring ko pa naman siyang kaibigan tapos ganto lang gagawin nia sa akin.. kaya nga mas gusto ko pang itago ang pagkatao ko, para di ako ititake advantage ng mga taong mapansamantala.. haist.. sayang kulas, bakit mo to nagawa sa akin…

“Amanda, kelangan kitang makausap sa faculty, sumunod ka sa akin.. “ ang sabi ni Ms. Lenie habang papalabas na ito sa room nila dahil tapos na ang klase..

“Opo ma’am” ang sabi ni Amatz at sumusunod na ito kay Lenie..
Pagdating sa faculty, andun si Denesse, si Nisei..

(Amatz POV)
Anung ginagawa nila dito? May ginawa ba kong mali?

“pinatawag ko kayo para iinform na merong beauty contest na magaganap at magiging kalaban ay ang iba’t ibang school, kaya nais naming kumuha ng representative ng school natin.. since si Amanda ang nanalo, kaya naisip naming siya ang ilalaban.. “ ang sabi ni Lenie

“eh siya naman pala kukunin nio , ano pang silbi namin dito?” ang sabi ni Nisei..

“nagsimula ka na naman ah.. pwede pakinggan muna natin ang sasabihin ni Ma’am” ang inis na sambit ni Denesse

“pinatawag ko na rin kayo dahil dalawa ang kukunin sa bawat school.. at hindi pa ako sigurado kung tatanggapin ito ni Amatz kaya pinatawag ko na rin kayo..” ang sabi ni Lenie..

“sus, hindi naman talaga siya dapat ang mananalo eh, at ano pa ang use ng pagtawag mo sa amin.. if I know sia rin naman ang papaboran mo dahil ninang ka nya…!!” ang sambit ni Nisei..

Nagulat silang lahat sa sinambit na iyon ni Nisei at natahamik naman si Lenie

“hindi sa ganun Nisei—“ ang naudlot na sambit ni Lenie dahil biglang tumayo na si Nisei dahil magwawalk out ito ngunit biglang nagsalita si Amatz

“di mo na kelangang mag walk out Nisei, magku-quit na ko.. ikaw na ang lumaban..” ang biglang sambit ni Amatz na ikinagulat naman ni Lenie at Denesse

“Sis, sayang yung mga pinaghirapan mo.. saka, sayang kung di makikita ng taga ibang school ang isang hakbang-dalawnag kembot mo..” ang bulong ni Denesse

“hayaan mo na sis, para lumunok uli ng jackstone si Nisei sa harap nila..” ang sagot ni amatz na pabulong din..

Napangiti naman si Nisei at lumingon sa kanila saka nagsalita.. “anong nakain mo’t gumive up ka?”

“pagod na ko makpag kumpitensya sayo Nisei, pero it doesn’t mean, ang pag give up eh talunan na.. minsan kelangang gumive up para sa ikaaayos ng lahat.. kaya na sayo na ang trono, sana tantanan mo na ko..” ang sabi ni Amatz saka tumayo na rin ito saka nagsalita muli..” ma’am lenie, aalis na po ako’t may gagawin pa ko.. siguro naman malinaw na po ang gusto kong mangyari… si Nisei na lang po’t si Denesse ang ilaban mo.. Maraming salamat” at saka tumalikod na ito’t umalis..

Sa Kabilang banda..

Dahil di pumasok si Kulas, naisip na lamang niyang magbenta ng taho..

Sa di inaasahang pangyayari…

“Di ba siya yung lalakeng hinold up natin na may malaking cellphone at pinasalpak sa pwet natin??”

“oo nga, sya nga yung lalakeng iyon na walang pera..” ang sabi ng nanghold up dati kay Kulas….

Pinuntahan nila bigla si Kulas..

“hoy lalakeng may walkie talkie.. kala mo nakakalimuntan na namin ang ginawa mo sa mga pwet namin ah??? Di mo ba alam kung gaano kami katagal gumaling nang isalpak nio ang malaki mong cellphone sa pwet namin ah?? Buti nagtagpo pa tayo.. makakaganti na rin kami sa iyo!”

“tama tol, kelangan nating bigyang hustisya ang mga pwet natin!! Lintik lang ang walang ganti!”

“hi mga tol, kamusta? Long time no see ah.. ah yun ba? Dapat nga magpasalamat kayo sa akin eh, kung di namin sinalpakan ang mga pwet nio, edi sana hanggang ngayon nahihirapan kayo umiri pag tumatae, im sure pag tumae kayo, di nio na kelangang umiri, dahil automatic ng babagsak ang mga tae nio ng walang kahirap hirap!!” ang sagot ni Kulas

(Kulas POV)
Paktay na, baka dito pa matapos ang buhay ko na di pa kami nagkakabati ni Amatz.. haist… san Pedro, wag nio muna ko kunin, pakibura naman ang name ko sa listahan mo.. kelangan ko munang magkabati kami ni pakner bago mo ko kunin.. saka wag naman sa gantong paraan mo ko kunin.. wag sa mga mokong na to ipapakitil ang buhay ko.. parang awa mo na San Pedro, pangako ko sa iyo dadalhan pa kita ng mas magandang manok kesa sa hawak mo ngaun huhuhu” ang dasal ni Kulas at may namumuong mga pawis sa kanya s sobrang kaba…

……..

See More

SUBAYBAYAN NIO ANG SUSUNOD KONG NOVEL NA "NUN OF THEM" MAGSISIMULA AFTER A WEEK.. PAHINGA MUNA SI AKO.. HIHIHI <>AA<>

Bahay Na Bato (Ampunan ng mga nababato) added 6 new photos to the album: NUN OF THEM: Author: Athena Adamas — with Hanaj Shuie and 68 others.

starring: Princess Cabalar and Golden Beryl

Si Joy, ang tatanga tangang babae na lagi na lang nafa-fired sa lahat ng napapasukan niya. Mali-mali, palpak lahat a...
wattpad.com
Image may contain: 4 people
Bahay Na Bato (Ampunan ng mga nababato) is with Haima Alfarsi and 37 others.

Chapter 44 - FINALE

Natulog na nga si Shane at dumeretso na rin sa kwarto ang mag asawa..

Niyakap ni Shaun si Joy..

...

Naglalambing si Shaun at pinaghahalikan si Joy..

“anong ginagawa mo honey?”

“sundan natin si Shane..”

“what?? 17years old na si shane saka pa natin susundan?”

“eh kung di ka kasi nagkaphobia edi sana may kapatid si Shane..”

“eh paano kasi, nakunan ako,natakot na ko mabuntis uli dahil dinibdib ko talaga nung namatay ang pangalawang anak natin…”

“kaya nga humabol pa tayo ng isa..”

“sorry honeyshaun ko, but I have red alert today…”

“what? Ang malas ko naman.. di nga? Akala ko makakaisa tayo ngayong gabi..”

“wait ka na lang after 5days hehehe..”

“buti pa sila Jake and Mhyles, tatlo ang anak, naunahan ka pa nga ni Mhyles mabuntis nun eh..”

“anong tatlo, apat na kaya.. di mo ba alam? Buntis kaya ngayon si Mhyles 3months na tiyan niya..”

“what? Humahabol pa ah.. hahaha!! Sipag ng dalawang iyon..hehehe..”

At humiga na nga ang dalawa sa kama’t nagkwentuhan.. magkayakap silang nagmuni muni ng nakaraan…

“naalala mo ba nung nabuntis si Mhyles sa panganay niya.. nakakatawa yung nangyari ano..” ang sabi ni Joy

“oo yung ipinanganak nila si Jacko, ang lusog lusog at ang cute cute..Pero ngayon ang guwapong bata .. hehehe” ang sabi ni Shaun..


At nagkwento na nga si Shaun…

Nasa Office kasi si Mhyles nun, pumasok pa siya kahit halos due date niya na pano kasi masyado ring dedicated nagmana ata kay Leah, nahawa sa pagiging dedicated sa work..

“Mhyles bakit ka pa pumasok? Di ba sabi ng doctor dapat nagpapahinga ka na.. “ ang sabi ni Leah,

“opo ma’am, ipapasa ko lang to kay Sir Shaun, di nio po kasi maintindihan tong report ko eh, kaya aayusin ko lang po ito’t ipapasa na sa kanya pagkatapos uuwi na rin po ako..” ang sabi ni Mhyles..

“ok sige, bilisan mo ng tapusin yan and then magpahinga ka na..”

Pagkatapos gawin ni Mhyles, pumunta na rin siya kay Shaun para ipasa ang report niya..

“oh mhyles, dapat naka leave ka diba?” ang sabi ni Shaun..

“sorry Sir, inaalala ko lang kasi tong report ko di po ako mapakali, paano kasi ako lng nakakaintindi ng sulat ko’t baka di maitype ng maayos ni Ma’am leah kaya ako na po ang gumawa, maipasa ko lang poi to at uuwi na po ako..”

“ok.. sige akin na’t magpahinga ka na..”

Iaabot na sana ni Mhyles ang papers nang biglang sumakit ang tiyan niya..

“Sir, sumasakit na po nap o ang tiyan ko.. shett!!! Ahhhhhh” ang sigaw ni Mhyles

Sa taranta ni Shaun bigla niya itong binitbit..

Wala pa naman si Joy that time dahil siya ang nag asikaso ng mga items na oorderin nila sa supplier sa ibang bansa, habang si Jake naman kasma ni Sean sa ibang branch nila dahil meron itong meeting at kelangang ayusin ang mga projectors doon..

Nagmadali itong lumabas at isinakay si Mhyles at itinakbo sa Ospital..

Habang dinadala ng mga nurses si Mhyles sa emergency room..

“Mister, dito lang po kayo’t kami na bahala sa Misis nio.”

“huh..uhmmm ok po..” ang tanging tugon ni Shaun

Di mapakali at palakad lakad si Shaun at saka niya naisipang tawagan si Jake..

“Jake you have to come here, yung misis mo nanganak na..”

At dali dali naman ding pumunta si Jake, sumama na rin si Sean na katatapos lang din naman ng meeting..

Sa loob ng emergency room..

“Doc, kung andyan po mister ko sa labas, please papayagan nio naman po siyang pumasok, first baby namin kasi to kinakabahan po kasi ako..” ang sabi ni Mhyles

“ok no problem..”

At lumabas naman ang doctor..

“Mister, pinapapasok po kayo ng misis nio, please po wala ng oras kelangan nio ng pumasok” ang sabi nig Doctor at di pa man din nakakapagsalita si Shaun eh pumasok na rin ito ..

(Shaun’s POV)
Ano ba to nangyayari! Di ako ang mister niya.. naku Jake asan ka na.. kelangan ka ng asawa mo..
Papasok ba ko? Shet asan ka na ba Jake..

At wala na ngang nagawa si Shaun kundi pumasok na rin ito para suportahan na lamang si Mhyles..

Pinapawisan ng buo buo si Shaun dahil pakiramdam niya si Joy ang manganganak..

Pagpasok niya, nagulat si Mhyles bakit si Shaun ang pumasok..

“Sir, bakit ikaw asan si Jake?”

“wala pa, on the way pa lang.. ako ang natetense sa iyo Mhyles, pakiramdam ko si Joy ang nanganganak.. hawakan mo muna ang kamay ko habang inaantay natin si Jake..”

“pero naiilang ako sayo Sir Shaun.. “

“ano ka ba? Pag nasa labas tayo, hindi na ko ang boss mo, I am your friend ok?”

At tumango na lamang si Mhyles saka hinawakan ang kamay ni Shaun para umiri..

Makailang saglit dumating na rin si Jake..

“uhmm ako po iyong asawa ni Mhyles asan po siya?” ang madaling sinabi ni Jake sa counter..

“po?? Eh paano nangyari iyon, andun na po ang asawa niya sa loob ng emergency room..” ang sabi ng nurse..

“ha? Hindi.. ako talaga ang asawa niya.. “ ang sabi ni Jake

Maya maya lamang sumulpot na si Sean dahil sinamahan niya si Jake, nagpark lang ito kaya nauna konti si Jake...

“ano na balita Jake?” ang bungad ni Sean na kararating lang..

“siya!! Siya ho iyong nagkiclaim na asawa ng misis niyo..” ang sabi ng nurse

“ako? Eh kararating ko lang.. hindi ako..” ang gulat at pagtanggi ni Sean..

“naku nurse nagkakamali kayo.. hindi siya.. kasama ko ho sia pagpunta dito..” ang sabi ni Jake

“haist, ano ba nangyayari sa akin? Pero di ako nagkakamali siya yung kasama ng misis nio pumunta dito..”

“ah, oo yung kakambal niya iyon..”

“tama, kapatid koi yon.. asan sila?”

“haist, naloloka na ko, naguguluhan na ko… haist, punta na nga kayo don sa emergency room..!” ang naguguluhang sambit ng nurse..

At dali dali namang tumakbo ang dalawa sa emergency room..
Pagdating sa emergency room.. palabas na ang doctor..

“Doc! Doc! Kamusta po misis ko? Nanganak na poba?”

“iho baka nagkakamali ka ng room.. “

“hindi doc, si mhyles po, nanganak na po ba? Ako ang asawa niya..”

Medyo naguluhan ang doctor, at nang napalingon siya sa kasama ni Jake..

Biglang nagsalita muli ang doctor.. “ ang bilis mo namang lumabas, naghugas lang ako ng kamay ko, andito ka na..kanina nasa loob ka lang.. siya iyong asawa ng babae sa loob..” angsambit ng doctor..

“hindi doc, kakambal ko lang iyon..”

Sakto namang palabas na si Shaun..

“Jake! Malusog ang baby.. lalake!” ang sambit ni Shaun..

Sabay sabay namang napa yes si Jake at Sean sa sobrang tuwa..

Umalis na ang doctor na naguguluhan bakit tatlo ang lalakeng andun at di nia malaman kung sino talaga ang ama..

“hahaha! Nakakatawa naman pala ang nangyari sa inyong tatlo nung nanganak si Mhyles..” ang sabi ni Joy sa kwentuhan nilang mag asawa..

“sinabi mo pa.. haist, namuo ang pawis ko sa kaba, feeling ko ikaw ang nanganganak, di ko pa kasi naexperience sa iyo nun eh dahil nga nauna pa si Mhyles sa iyo mabuntis kaya ganun na lang kaba ko.. honey , tama na kwentuhan, maaga pa ikaw papasok, at ako’y may meeting pa.. goodnight! I love you my Stupid girl..” ang sabi ni Shaun

“teka, last muna.. since nagreminisce na rin tau. .. sa tagal na natin di ko pala naitanong sau ung about sa mug? Why there’s a dots in each letter?”

“ah iyon ba? Kasi S stands for Smart, matalino ka, di mo lang nakikita, nasosolve mo ang problem mo kahit na pumapalpak ka, nalulusutan mo agad.. and T stands for Talented napa inlove mo ko sa galing mong magluto.. U&P stands for Unique Person, very charming ka kasi, nakukuha mo agad ang loob ng mga nasa paligid mo, magaan ang personalidad and kahit na pumapalpak ka, kwela ka naman at di nakakainis... I & D stands for In Demand, dahil in demand ka sa kapalpakan.. hahaha! Pero maraming nagmamahal.. I loveyou..” ang sabi ni Shaun at hinalikan si Joy

“iyon pala iyon.. hehe.. sweet naman honeyshaun ko.. I love you too and Good night.. mwah!” angsabi rin ni Joy at hinalikan si Shaun..

Kinabukasan sa office ni Joy..

“mhyles, bakit ganto lasa ng kape ko.. ang tagal tagal mo ng gumagawa ng kape ko bakit pumalpak ka ta ngayon..”ang sabi ni Joy kay mhyles nang pinatawag nia ito para pumunta sa room niya..

“Joy, di mo pa ba alam? Im not your secretary na ngayon noh.. HR Manager na ko.. di ba sinabi ng asawa mo? May bago ka ng secretary, kakakuha ko lang sa kanya..” ang sinabi ni Mhyles

At ipinapasok nga ni Mhyles ang bagong secretary ni Joy..

“siya ang bago mong secretary, si Karylle… Karylle, iba daw ang lasa ng kape ng boss mo” ang pagpapakilala ni Mhyles

“Karylle, bakit ganto lasa, di siya matamis, may kakaibang lasa na di ko mawari.. anong nilagay mo?”

“kape po saka asukal, yung kulay red po na lalagyanan..” ang sabi ni Karylle

“ah iyon ba? Di naman asukal iyon Karylle, diba tinuro ko na sau.. iyong orange iyon ang asukal.. kaya maliit yung red na lalagyanan dahil iyon ang betsin..” ang sambit ni Myles..

“ay ganun po ba ? sige po ulitin ko na lang po” ang sabi ni Karylle at kinuha ang kape ni Joy para ulitin ang pagtimpla..

At pag alis ni Karylle..

Napangiti si Joy…


“Myles, ano tong ginagawa mong klase ng paghahire ng secretary..” ang sambit ni Joy

“Joy, parang di ka dumaan sa ganyan.. I know nakakarelate ka sa kanya.. carry mo na yan… magkakasundo kayo..” ang sambit ni Myles at ngumiti kay Joy saka tumalikod na ito’t bumalik sa kanyang trabaho…

………………. THE END……………………

AUTHOR’S NOTE:

MARAMING SALAMAT PO SA PAGTANGKILIK NG STUPID, DI KO PO AKALAING MAGIGING GANTO SIYA KA IN DEMAND..

NAGING INSPIRASYON KO ANG BOSS KO KASI GWAPO SIYA KASO KAKAKASAL LANG LAST WEEK, HEHEHE.. KAYA NAKAISIP AKO NA GUMAWA NG NOVEL ABOUT BOSS AT STAFF, AT SINCE LAGI NGA RIN AKO PUMAPALPAK, PERO HINDI GANUN KATANGA LIKE NUNG NASA STORY, PERO HONESTLY, UNG SA CHAPTER 1 ABOUT SA BURGER AT NAGCOMPLAIN ANG CLIENT, HAHAHA, NAKAKATAWA MANG AMININ PERO YUN TALAGA NIRASON KO SA BOSS KO, HEHEHE..

SANA PO TANGKILIKIN NIO PA ANG MGA SUSUNOD KONG GAGAWIN AT WAG PO SANA KAYONG MAGSASAWA..

MARAMING SALAMAT
ATHENA ADAMAS

See More
si Kulas ay mahirap at si Amanda naman ang mayaman.. aso't pusa nung una at naging magpakners na nung huli at pareho ...
wattpad.com
si Kulas ay mahirap at si Amanda naman ang mayaman.. aso't pusa nung una at naging magpakners na nung huli at pareho ...
wattpad.com
Image may contain: 1 person
Bahay Na Bato (Ampunan ng mga nababato) is with Julie Ramos Parangan and 4 others.

gud eve miss A
isa aq s mga avid reader ng page mo llo ung mmga dreams n nbibigyan mo ng meaning..ns wattapad mo din b un.super idol kt dun..gling mo kc mgbigay... ng mga meaning s pnginigip..nkktuwang bsahin..
anyway bigyan mo po sn ng meaning ung dream ko.long hair ako..bagsak cy hnggng bewang.ngkulay aq ng hair ko coper brown lst mont.plano ko mgpakulot by nextmont..but lately lgi ko npniginipan n ngppkulot aq.at pinapakulayan ko ito.pero maigsi n hair ko..i have plan kc umuwi s pinas..but surprize un s family ko.kt gusto ko sn new look aq pg uwe..ky lng lgi ko nga nppnaginipan n ngppkulot ako ng hair pero maigsi n.. .idol ko kc c madam auring hihi jok lng po..gusto mtutunan un gnon..kung pno nbibigyan meaning ung dreams..bk un ang carrer ko ung plitan s pwesto c madam bola bola hihi jok lng po

tnx..im looking forward for ur response..god bles u always


from miss pakulot:-)

Hi Ms. Pakulot,
Wala po sa wattpad ang mga dreams interpretation ko, andito lahat sa BnB, hahaha!! Magkaiba po kami ni Madam auring dahil siya eh talagang manghuhula, ako po ay di manghuhula, magkaiba po ang dream reader sa manghuhula hehehe…at batang bata pa po ako, samantalang si madam auring, nagpupumilit bumata hehehehe…

Anyway ito na po ang meaning ng panaginip mo…
Ang mapanaginipan ang buhok ay nagsisimbolo ng sexual virility, seduction, sensuality, vanity and health. Ito ay nagpapahiwatig ng iyong mga saloobin, kung ang iyong buhok ay gusot o kulot, ito ay nagsisimbolo ng kawalan ng katiyakan at pagkalito sa iyong buhay. Maaaring di ka makapag isip ng tama. Kung napanaginipan mong pinutol mo ang buhok mo ay nagsasuggest na ikaw ay makararanas ng pagkawala ng lakas. Nakakaramdam ka na may taong nais kang punahin. Maaari ring ang pagputol ng buhok ay nagsasabi na gusto mong ayusin, ireshape yung pag iisip mo’t ambisyon mo at alisin ang mga unwanted thoughts and habits mo. kung ito’y kinukulayan mo, ito’y nagsisimbolo na nais mong subukan baguhin ang iyong pagkatao..

Maraming salamat,
Athena Adamas

P.S.
WALA PO MUNANG MAGPAPASA NG KANI KANILANG PANAGINIP DAHIL PO SOBRANG DAMI NA PO NAGPASA, SAKA NA LAMANG PO AT NAIS KO MUNANG UBUSIN LAHAT NG MGA NAG EMAIL SA AKIN..

HINTAYIN NIO ANG GO SIGNAL KO ONCE NATAPOS KO NA SILANG LAHAT.. BUSY DIN KASI AKO SA AKING NOVEL..

PASENSIA NA..
…..
Para sa mga mambabasa..

“the only person who can truly identify the cause of a dream is the dreamer”

Ang panaginip ay Totoo. Bakit?
*Dahil ito’y isang paalala sa atin kung mayroong panganib na parating.
*Ito rin ang guide kung may swerteng darating
*Ito rin ang magbubunyag sa susi para mabuksan ang sikreto o mga misteryong nangyayari sa buhay.
*Panaginip ang mahiwagang mensahero. Ipinapakita nito ang daan sa bagong posibilidad, bagong katotohanan, bagong pag asa!
*Wag balewalain ang panaginip.

Dreams are more powerful and more personal than anything you can imagine. More powerful than astrology readings. More "dead-on" than psychic advice. More illuminating than anything your therapist may have told you. I want you to relax and get ready for a new adventure in life.

See More
Image may contain: 4 people, text
Bahay Na Bato (Ampunan ng mga nababato) is with Wheng Nolasco Artugui and 39 others.

Chapter 42

Natigil ang kwento ni Joy sa kanyang anak ng may nagdoor bell..

“Sweetie, can u open the door? Kasi kelangan ko ng ayusin ang lamesa’t kakain na tayo..., baka gutom na rin si uncle Sean mo..”

“ok mommy..”

At pagbukas ni Shane ng pinto, bumungad sa kanya si Shaun..

“mommy, daddy is here…!!” ang masayang sabi ni Shane at niyakap ang daddy niya at saka nagsalita uli.. “Daddy im so proud of you.. I love you so much!!! “ ang biglang sabi ni Shane..

“naku anak, don’t tell me may gusto ka na namang pabili sa akin ah?” ang sabi ni Shaun..

“nope dad, Im just happy na kayo nagkatuluyan ni mommy, kung hindi wala ako dito sa mundo.”

Naguguluhan at nagtataka pa din si Shaun kung bakit umaarte ng ganun ang anak niya..

“honeyJoy ko, what’s happening here, parang sinapian ata ang anak mo, bumagsak ba sya? Mga grades nia ba mababa? Bakit biglang naglambing to..” ang pagtatakang tanong ni Shaun..

“hahaha!! Nagpapakwento kasi siya tol ng lovestory nio..” ang singit ni Sean..

“pagpasensiyahan mo na honeyshaun, kasi napag usapan naming ang pagiging stupid daw nia, eh sabi ko wala ng mas stupid pa skin.. hahaha..” ang sagot naman ni Joy..

“how about you uncle Sean, can you share your love story too..parang feel ko po makinig ng mga lovestory ngayon eh..” ang sabi ni Shane..

“hahaha!!! Teka nga pala bakit di mo siya kasama ngayon Sean??”

“eh kasi mag oovertime daw siya eh.. pero susunod na rin..” ang sabi ni Sean

“I remember nung first time ko marinig yun, di ko napigilang matawa sa ginawa mo..” ang sabi ni Shaun..

“yup, naikwento ko nga pala sa iyo ang nangyari nang magising ka na mula sa aksidente…”

At nagpatuloy si Sean sa kanyang kwento…

Sa Ospital nun nang mapadalaw si Sean kay Shaun…

“tol, buti naman at nagising ka na…”

“siempre, di pwedeng hindi.. di ko pa nga nakukuha ang “OO” ni Joy eh, mawawala na ko agad..” ang sagot ni Shaun..

“speaking of Joy, alam mo ba name nung bespren nia??”

“yup.. yung may trauma sa “Kambal” hahahha..”

“ah kaya naman pala gusto pa kong sampalin, di nia kasi alam na may kakambal ka, kala nia niloloko mo si Joy hahahaha..”

“ganun? sinampal ka niya?”

“oo pero nasalag ko naman eh, tapos hinalikan ko siya..”

“hahahaa!! Hanep ka tol, kaya idol kita pagdating sa chicks eh, mas matinik ka kesa sa akin.. ako kelangang maaksidente muna bago ko mahalikan si Joy, eh ikaw, nahalikan mo na agad ni hindi mo pa nga nakukuha ang name niya hahahah..kaya nga naunahan mo din ako agad kay Stacy.. siangapala, bakit di man lang ako nadadalaw nun.. asan na pala si Stacy?”

“ahmm.. di ba siya nagpaalam? Flight niya kagabi ah..nasaktan talaga siya sayo tol.. at sinaktan naman niya ako.. pero kung di ko lang siya kababata, di ko talaga siya mapapatawad pero kahit papaano naging bahagi siya ng buhay natin kaya pilit ko na lang kinakalimutan ang ginawa niya sa akin.. buti na lang nakita ko bespren ni Joy at nang mahalikan ko, ewan ko bakit nakaramdam ako ng magic.. hahaha! Nakakatawa, naniniwala pa pala ko sa ganun, ang tanda ko na..”

“baduy mo tol, may pa-magic magic ka pa.. hahaha..”

“daya mo di mo pa sinasabi yung pangalan nia, dali na.. at nang madalaw ko na siya.. hahaha..”

“si Faith.. faith ang name niya.. ayan ah.. wag na wag mong sasaktan iyon dahil bigo pa iyon till now.. dahil niloko siya ng lalake na nagpapanggap na may kakambal.. “

“well… aalagaan ko siya at this time mawawala na ang phobia nia sa kambal.. hahaha..”

“Hoy ako ba pinag uusapan ninyo??” ang biglang dumating na si faith.. at natigil ang kwentuhan nila Shaun at Sean

“auntie Faith!!!!”” ang biglang bati ni Shane at masayang niyakap at bineso beso ang kanyang auntie..

“hay naku bespren, ikaw na naman ang topic nila, pinag uusapan ang unang halikan nio ni Sean..”

“mga siraulo kayo, ipaparinig nio pa kay Shane baka mawala respeto sa akin ng pamangkin ko ah..”

“hahaha, auntie ang saya saya nga po eh, ngayon ko lang narinig ang mga lovestories nio, kinikilig ako.. hehehe.. auntie nakakatuwa po pala kayo at may phobia kayo sa kambal, di nio alam kambal sila daddy and uncle..”

“oo noh, buti na nga lang nabuhay yang daddy mo kundi baka nabaliw na ko’t nasa mental na ko sa sobrang guilty..”

“oh eto na kain na kayo..luto na ang food..” ang sabi ni Joy at nilapag na ang kare kare..

“eto ang paborito ko talaga at dahil sa kare kare na yan muntik ng mawala sa akin si Honeyjoy ko, at maagaw ni jake.. hehehe..”

“mommy, buti nawala po yung pagiging stupid nio nung naging kayo na ni Daddy? Saka ano po pala nangyari kay Martha, tinanggal nio po ba daddy?”

“ooppss, hindi ako ang salarin sweetie, ask your mom, siya ang nagtanggal!”

“paano po nangyari iyon daddy eh ikaw ang boss at secretary lang si mommy..”

“ganito kasi iyon sweetie… naging successful ang business ng daddy mo, nagkaroon na ng maraming branches at nang naging President na ng company ang daddy mo at ako ang ginawa niyang Vice President..”

“nagspeech ang mommy mo, nosebleed silang lahat.. hahaha..” ang pagsingit ni Sean

At nagpatuloy si Joy sa kanyang kwento..

“—ating palakpakan ang bagong Vice President of the Company..” ang pagpapakilala ni Shaun kay Joy sa buong staff ng company saka tumayo si Joy at pumunta sa harap..

“To those who believe in my capacity...thank you for trusting me to be the Vice President of the company. I’ve been working with this company for almost a year , where I learned to love. I’ve been taught with so many things and despite of so many challenges, Sir Shaun was so good to me. He never judged me with my weaknesses, instead he put his trust in my skills. It is my great honor to be your Vice President now. But I can’t let this go any longer.... I’d like to fire Martha out of her job because of her misbehaviour in this company. It is improper of her to interfere with her co-worker’s personal life, much more when it’s not related to business matters. That would only be my concerns. And now, I am taking this opportunity to tell you that I am resigning as Vice President. Ha! Ha! Ha! It’s funny to think that I just accepted my position for just a few minutes and now, i’m immediately resigning. But I find it necessary to give this position to Ms. Leah because of her unselfish dedication to her job, she’s a perfectionist and is so much concerned of the company’s welfare....Let us all give a round of applause to our new Vice President!” ang speech ni Joy at pinalakpakan si Leah at nashocked ang buong staff at nakipalakpak na rin habang si Martha’y napaluha dahil nawalan ng trabaho..

Naiiyak na lumapit si Leah at niyakap si Joy.. at nakibeso beso sa kanya’t nagpasalamat..

..

“wow mommy ang bait mo naman.. talaga po? Nagresign agad kayo as Vice President at ibinigay mo iyon kay Ninang?” ang sabi ni Shane

“yup, mas karapat dapat si Ninang mo sa posisyong iyon dahil nung lolo mo pa lang ang nagmamanage ng business andun na siya at hanggang sa daddy mo na ang nagmamanage, mabait si Leah, namimisinterpret ko nga lang siya minsan dahil sa kasungitan pero nasa lugar naman ito..pero ilang taon lang din at nagretire na siya dahil matanda na siya..”

“namiss ko naman bigla si Ninang kaso matanda na rin nung nag asawa siya’t pumunta na ng Canada.. hehehe, pero mommy yung isa ko pang tanong, nung naging kayo na ni Daddy, may ginawa ka pa rin bang kapalpakan?” ang sabi ni Shane..

“Yup, sweetie, nung wedding namin..” ang sambit ni Joy

At nagkatawanan ang lahat dahil naalala nila iyon bigla..

See More