
- Daily Gospel TagalogReligious Center
- 100% KATOLIKONG PINOY!Religious Center
- DAILY MASS Readings - EnglishPublic Figure
- Daily Tagalog Mass ReadingsReligious Organization
- Broadcasting & Media Production Company
- Tagalog Daily Mass ReadingPersonal Blog
- The Manila CathedralReligious Organization
- Salita Ng Diyos Salita Ng BuhayReligious Organization
- Veritas846.phMedia
- SambuhayMedia/News Company
- Fr Jerry Orbos SVDAuthor
- TV MariaTV Network
- Paulines Radio PHReligious Organization
- Tagalog Daily ReadingsInterest
- Veritas 846 Radio, Media AdvertisingMedia/News Company
- Sambuhay TV MassCommunity Center
- The Viral PlanetBlogger
- El FilibusterismoInterest
- Katolikong PilipinoReligious Organization
PagesPublic FigureDAILY MASS Readings - Tagalog
Marso 19
Dakilang Kapiyestahan ni San Jose
IKA-19 ngayon ng buwan ng Marso. Para sa mga Kristiyanong Katoliko at batay sa kalendaryo ng Simbahan, ipinagdiriwang ngayon ang kapistahan ni San Jose—ang kinikilalang ama-amahan ng Dakilang Mananakop, ang patron ng mga manggagawa at mabubuting ama ng tahanan. Sinasabi rin na si San Jose ang patron Saint ng magandang kamatayan.
...Ayon sa kasaysayan, ang debosyon kay San Jose ay nagsimula pa noong ikaapat na siglo at lumaganap ito sa kanlurang Europa noong ika-10 siglo.
Si San Jose ay ipinahayag at kinilala na patron ng Universal Church noong 1870 ni Papa Pio lX at hindi nagtagal ay isinama na ang pangalan ni San Jose sa listahan ng mga banal ni Pope Saint John XXlll. Bilang patron ng Universal Church, si San Jose ang modelo ng mga pari at iba pang relihiyoso dahil sa pagiging tapat at makatotohanang pangako sa Dakilang Maykapal at sa kanilang bokasyon tulad ng “bow of celibacy” o hindi pag-aasawa. At batay sa Ebanghelyo nina San Mateo at San Lucas, ang papuring iniukol ng Diyos kay San Jose ay napapaloob sa dalawang salitang, “Vir Justus” o isang taong banal. Ang pangalan ni San Jose ay araw-araw na binabanggit sa misa.
Mula si San Jose sa angkan ni Haring David at napili ng Diyos upang maging kabiyak ni Maria at ama sa turing ni Kristo—ang Diyos na nagkatawang tao.
Bilang isang ulirang ama, ginawa ni San Jose ang kanyang tungkulin. Naghanap-buhay bilang isang karpintero sa Nazareth. Bagamat maikli lamang ang naging bahagi ni San Jose sa buhay ng Banal na Mananakop at sa Mahal na Birheng Maria, ang buong buhay niya ay ginugol naman niya sa pangangalaga sa Banal na Pamilya hanggang sa kanyang kamatayan.
BANAL NA SAN JOSE, IPANALANGIN MO PO KAMI AT ANG BUONG SANSINUKOB. AMEN🙏🙏
Marso 19, 2020
HUWEBES ng Ika-3 Linggo ng Kuwaresma
Kapiyestahan ni San Jose, asawa ng Mahal na Birheng Maria
✝️ MGA PAGBASA SA MISA
...Continue Reading



























