Jump to
Press alt + / to open this menu
Join or Log Into Facebook  
Do you want to join Facebook?
Sign Up

Filipino Reviewer (excluding El Fili)

Panitikan:
Mga Anyo:
1. Tuluyan – karaniwan ang ayos ng mga pangungusap at salita; parang nagkukwento lang.
Mga Uri:

• Alamat - tungkol sa pinagmulan ng mga bagay.
• Anekdota – tumatalakay sa isang pangyayaring nakakatawa sa buhay ng isang tao.
• Nobela – hindi nababasa ng isang upuan. Salamin ng buhay.
• Pabula – nagsasalita ang mga hayop sa ganitong klaseng kwento.
• Parabula – hango sa bibliya
• Maikling kwento - mas maikli sa nobela, at maaaring maglaman ng iisang pangyayari lang sa buhay ng tauhan. Isang akdang pampanitikang likha ng guni-guni na hango sa tunay na buhay.
• Sanaysay - pagsasalaysay ng isang sanay sa isang paksa
• Talambuhay - tungkol sa buhay ng isang tao
• Talumpati - binabasa sa entablado
• Balita - nagkukwento ng isang totoong pangyayari
• Kwentong bayan – hindi nasusulat, nagpapasalin-salin lamang sa mga bibig ng may-ari; walang nagmamay-ari nito kundi ang bayan.

2. Patula – may sukat at tugma
Mga Uri:
• Awit at Korido – may 8 pantig bawat linya.
• Epiko
• Sawikain
• Salawikain
• Bugtong
• Kantahin
• Tanaga – may apat na linya, pitong pantig bawat isa.
• Tula – akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay; ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.

3. Patanghal – uri ng panitikang itinatanghal sa entablado.
Mga Uri:
• Dula – naglalarawan ng mga pangyayari gamit ang kilos at galaw.
• Moro-moro – isinasadula ang sagupaan ng mga Kristyano at Moro.

Paraan upang ipagsalin-salin ang panitikan:
1. Pasalindila – pasalita ang pagsalin
2. Pasalinsulat – pasulat
3. Pasalintroniko – gumagamit ng teknolohiya

Mga Kantahin:
1. Oyayi – pampatulog ng bata
2. Dung-aw – para sa patay
3. Diona – pangkasal
4. Kalusan – kinakanta ng mga manggagawa.
5. Kundiman – tungkol sa pag-ibig
6. Dalit – ginagamit sa pagsamba
7. Kutang-kutang – kantang may bahid-berde na kinakanta ng mga lasing
8. Ditso – awit sa paglalaro ng bata

Mga Kwentong-Bayan
1. Mulamat o Mito – mga kuwentong tungkol sa Diyos o anito.
2. Alamat – mga kwentong tungkol sa pinagmulan ng bayan
3. Pabula – mga kwentong tungkol sa hayop
4. Parabula – hango sa bibliya
5. Kwentong Katatawanan – biruang maaaring totoo at may halong kaberdehan.
6. Palaisipan – gaya ng bugtong, layuning hamunin ang isipan.
7. Kwento ng Kababalaghan – nakakatakot

Ang Tula

Mga bahagi:
Sukat – bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng saknong.
Tugma – pagkakasintunugan ng mga huling pantig ng salita ng mga taludtod.
Talinhaga – ang tahas o natatagong kahulugan ng tula. Ang talinhaga sa tula ay tinatawag na tayutay.

Mga Uri ng Tula:
Tula ng damdamin – nagpapahayag ng sariling damdamin at isipan ng makata.
Tulang Nagsasalaysay – ito ay nagsasalaysay ng isang kwento o pangyayari
Tulang Pandulaan – dito ipinapahayag ng mga tauhan ang kanilang mga sarili sa kwento sa pamamagitan ng galaw at salita.

Kung pagbabatayan ang kayarian, ang tula ay may 3 uri:
1. May sukat at may tugmang taludturan – tradisyunal; may sinusunod na sukat at tugma.
2. Malayang taludturan – makabagong kayarian; walang sukat at tugma
3. Di-tugmaang Taludturan o Blank Verse – may sukat ngunit walang tugma

Ang Maikling Kwento:
Mga Sangkap at Bahagi:
4. Simula
5. Saglit na Kasiglahan
6. Tunggalian
7. Kasukdulan
8. Kakalasan
9. Katapusan / Wakas

Ang Tayutay – patalinhagang pagpapahayag na kaiba sa karaniwang paraan.
Mga uri:
1. Pagtutulad (simile) – paghahambing na gumagamit ng mga salitang gaya ng, tila, parang, atbp.
2. Pagwawangis (metapora) – tuwirang paghahambing.
3. Pagbibigay-katauhan o personipikasyon – binibigyang buhay ang mga bagay na walang buhay.
4. Pagmamalabis o hayperbole – nagpapakita ng lubhang pagmamalabis o pagkukulang; nagpapakita ng kasukdulan.
5. Pagtawag – pakikipag-usap sa bagay na maaaring wala naman.
6. Padamdam – nagsasaad ng matinding damdamin.
7. Pasukdol (climax) – paghahanay ng mga salita mula sa pinakamababa ang antas tungo sa pinakamataas.

Ang Dula
Mga Uri:
1. Trahedya – humahantong sa pagkabigo ng layunin ng tauhan.
2. Komedya – katawa-tawa
3. Melodrama – may malulungkot na sangkap subalit nagtatapos naman ng masaya para sa pangunahing tauhan.
4. Farsa – nakapagpapatawa sa mga manunuod sa pamamagitan ng kawil-kawil na nakakatawang pangyayari at mga katawa-tawang bukambibig.
5. Sainete – katawa-tawa at mga karaniwang ugali ng tao ang pinapaksa.

Ang Dula ay maaaring mauri sa haba nito:
1. Iisahing Yugto o dula-dulaan
2. Dadalawahing Yugto
3. Tatatluhing Yugto

Talasalitaan:
1. Pag-idlip – pagtulog
2. Gula-gulanit – punit-punit
3. Itinatawing-tawing – ihinahagis-hagis
4. Nakakorto – nakasalawal
5. Patagulaylay – sintunado
6. Kapus-palad – mahirap
7. Nasasadlak – nagdadala
8. Dinudusta-dusta – linalait-lait
9. Panambitan – panalangin
10. Nadarapa – nalulugmok
11. Pagkalugod – kaligayahan/pagngiti
12. Paraluman- minumutya/minamahal
13. Napamangha – nagulat/nabigla
14. Ligalig – problema/suliranin
15. Makabanaag – makakita/makatanaw
16. Bukambibig – sinasabi
17. Humahagibis – tumatakbo ng mabilis
18. Humupa – tumila; nabawasan; tumigil
19. ilawit – ibigay; ipamahagi
20. kalaboso – kulungan
21. makatitighaw – makapagpapaginhawa; magtatanggal ng uhaw
22. nagpulasan – nagtakbuhan
23. nakaumang – nakatutok
24. panaghoy – malakas na iyak
25. mang-umit – magnakaw

Mga kwento:
1. Si Pinkaw
Ni Isabelo S. Sobrevega
Pinkaw – babaeng nabaliw
Poray – labintatlong taong gulang na anak
Basing – pangalawang anak
Takoy – bunso; tatlong taong gulang
Pisyang Sugarol – sumumpa na hindi raw kinasal si Pinkaw.
Beinte sentimos – hindi bumababa rito ang pinapamahagi ni Pinkaw sa mga pulubi tuwing Linggo.

2. Panambitan
Salin ni Ma. Lilia F. Realubit ng tulang Bikol na “Panambitan” ni Myrna Prado.

3. Ang Dalaginding
Ni Iñigo Ed. Regalado
Irene o Ineng – isang dalagang taga-Libis.
“Ang Magsasampagita” – ang tawag kay Irene kung panahon ng bulaklakan.
“pinamimitakan na ng araw” – tawag kay Irene noong nasa katamtamang gulang na siya.
Daniel – binatang nag-aaral ng medisina. May gusto siya kay Ineng.

4. Ambo
Ni Wilfredo Pa. Virtusio
Ambo – isang lalaking nabaliw dahil sa masyadong kahirapan ng buhay
Marta – asawa ni Ambo na may sakit na Tuberculosis
Port Area – lokasyon ng opisina ng gobyerno na pinagtatrabahuhan ni Ambo.
Pito – dami ng anak ni Ambo
Treinta pesos – bayad nila sa upa kada buwan
Sonia – panganay na anak; sampung taong gulang
Roma – sumunod sa panganay; otso-taong gulang
Nida – pitong taong gulang na, ngunit hindi pa rin makasalita ng maayos. Laging humihingi ng singko sentimos sa ama.
Mr. Reyes – ang mapang-aping amo ni Ambo.
Mr. Maique – dating amo ni Ambo na nagrekomenda sa kanya sa kasalukuyan nyang trabaho.
Sandoval – isang kawani ng “accounting division” na nakakwentuhan ni Ambo.
Dalawang milyon – ayon sa kwento ni Sandoval, ito ang halagang ginastos para sa anibersaryo ng isang kasal.
Dory – sekretarya ni Mr. Reyes.

5. Babang-luksa
Salin ni Olivia P. Dantes mula sa ”Pabanua” ni Diosdado Macapagal.

6. Ito Pala Ang Inyo
Ni Federico B. Sebastian
Clarita – babaeng taga-Maynila na nobya ni Alberto.
Alberto – isang biyudo; tinatago nya kay Clarita na siya ay may naunang asawa. Ngayon ay dinadala nya si Clarita sa kanyang tirahan sa probinsya.
Aling Isyang – tiya ni Alberto.