Sagot ko sa kay Camille P. Estonio na nagsabi na hinahati ko lang ang boto ni Leni. Pero, ang nakakatuwa, may pauna sya na nire-respeto nya ako.
Ang sagot ko.
Salamat sa pag-respeto.
...Pero hindi ko hinahati ang boto ni Leni. May sariling botante si Leni, ito yung mga sumasang ayon sa kanya na ang problema ay si Duterte at si Marcos kaya dapat hindi sila makabalik!
Ako ay lagpas sa isyu ni Duterte at Marcos. Dahil naniniwala ako na kahit mahadlangan natin ang pagbabalik ni Duterte at Marcos kung tuloy ang kontraktwalisasyon, walang mapapala ang mga manggagawa. Ganoon din sa mga magsasaka, kung hindi maaalis ang Rice tarrification law, wala rin silang pakinabang kahit pa si Leni ang manalo.
Ayaw ko nang maulit ang masamang karanasan ng pagsuporta ng taong bayan kay Cory laban kay Marcos at kay
Gloria laban naman kay Erap. Walang napala ang taong bayan, nagpatuloy lang ang kahirapan at kaapihan ng mamamyan.
Hindi sapat na palitan lang ang mukha ng pangulo sa Malakanyan, kailangan, kasabay nito ay baguhin ang mga batas at patakaran na nag liligalisa sa pagyaman ng iilan at paghihirap ng mamamayan.
Yan ang turo sa atin ng kasaysayan sa halalan. Marami nang naipanalo at nailuklok sa Palasyo pero hindi nagbago ang buhay ng masang Pilipino
Ang mga Pilipino na may ganito ring paniniwala ang botante ko. Kaya walang panghahati sa boto ni Leni.
Dagdag ko dito...
Kung mayroon mang nanghati, ito ay si Leni mismo. Nang kausapin nya si Paquiao at si Isko para magsama sama daw ang oposisyon. Sa ginawa nya, nabendisyunan si Paquiao at si Isko na oposisyon din. At dahil sa tagal nyang mag desisyon sa pagtakbo, marami sa mga nainip ang lumipat kay Isko at Paquiao.