MAHAL KONG BAYAN NG SANTA CRUZ!
Sa usapin ng pagkulong sa mga bata sa Dog Cage sa Barangay Gatid, dahil sa paglabag nila sa itinakdang curfew hours, narito po ang katatayuan ko, sampu ng bumubuo ng Lokal na Pamahalaan ng Santa Cruz.
Ang anumang paglabag sa KARAPATANG PANTAO ay hindi namin sinusuportahan bagkus ay kinakailangan ng masinsinang aksyon mula sa mga kinauukulang Tanggapan.
...Sa panahon ng krisis ang pagsunod sa direktiba ng nakatataas ay marapat na sundin ngunit marapat ding isandal sa kapakanan ng lahat. Hindi maaaring ilagay ang batas sa ating mga kamay ng basta basta.
Kasalukuyan na pong binabalangkas ng mga kinauukulan ang insidenteng ito at asahan nyo pong ilalatag natin ang karampatang solusyon sa usaping ito.
Mamuno tayo ng may malasakit sa ating kapwa sapagkat higit sa pagiging pinuno tayo ay tagapaglingkod sa ating mga nasasakupan.
Bayan Natin, Sama-samang Unahin,
Santa Cruz, Kaya Natin!