Anakpawis Partylist BICOL
about 4 years ago

News Alert!
Enero 15, 2022

Mag-asawang myembro ng Anakpawis Partylist pinagbabaril patay sa Sorsogon

...

Pinagbabaril patay ang mag-asawang sina Silvestre Fortades Jr. at Rose Marie Galias sa Brgy. San Vicente, Barcelona nitong Enero 15, 7:00 ng umaga.

Ayon sa Karapatan Sorsogon, ang mga suspek ay nakasakay sa dalawang motorsiklo na may tig-dalawang sakay.

Ang mag-asawa ay myembro ng Anakpawis Partylist Sorsogon Chapter at parehong nagtitinda lamang ng mga bawang, sibuyas at iba pang sangkap sa pagluluto sa pinangyarihan. Sila ay nakatira sa Poblacion Norte, Barcelona, Sorsogon.

Mariing Kinukondena ng Anakpawis Partylist Sorsogon Chapter at Karapatan Sorsogon ang karumaldumal na pamamaslang sa mag-asawa.

#StopKillingFarmers
#DefendBicolStopTheAttacks!

See more