Take 2 po ng post. May nag-advice na i-post direct to FB.
Muli, maraming salamat at sana mag-enjoy kayo. Sana napanood niyo din yung version namin ng LIGAYA ng Eraserheads (please check my wall or Katherine Fernandez Asis'). Sana hindi kayo magsawa sa makakapal na mukha namin ni Katherine Fernandez Asis
. Sana mag champion ang UP Maroons.
Sa my family and friends, huwag po mag-alala. No career change in the making, he he he. Hanging UAAP finals season lang ito.
... Feel free to share the videos.
Nang Matalo sa Game 1 ang UP Maroons
(Lyrics ni Jehri Asis, UP Law 98, UP Econ 94; Tugtog ni Katherine Fernandez-Asis, UP Music 01.
Hango sa Nang Mag Champion ang Ginebra ni Gary Granada. No copyright infringement intended.)
Halos di ko na matandaan
Ang huling labanan ng Katipunan
Kaya nasiraan ako ng bait
Nang maubos ang ticket sa Ticketnet
Kantiyawan at alaskahan
Labanan sa Facebook hindi mapigilan
Iska at Isko tuloy lang ang respeto
Pagkat lahat tayo ay Pilipino
Pagbigyan niyo na ako, nasa finals na ang UP ko
Gumaan ng bahagya aking mundo
Pagbigyan niyo na kami, mula Jolo hanggang Aparri
Mag popost kami hanggang kayo’y marindi
Sa simula lumamang ng sampu
Ang galing talaga ng Ateneo
Pero may solution si Bo Perasol
Small ball offense ni Jun Manzo
Kaya kami biglang humabol
Di bale ng magka foul trouble
Last second tres na shoot before half time
Kami napasigaw KAYA TO ATIN TO
Pagbigyan niyo na ako, gustong magwala ng mga Isko (at Iska)
Pagkakataong magbago ang mundo
Pagbigyan niyo na kami, 32 years in the making kasi
Huwag kokontra at kayo ang masisi
Nang third quarter ay nagsimula
May technical foul kami lahat tulala
Lalo pa itong pinasama
Si Bright Akhuete iika-ika
Pero talagang Fighting Maroons to
May import Ateneo tayo all Filipino
Kahit kinapos at tayo natalo
Ating isagaw: Game Two Atin To!
Di pa tapos ang ating laban
Game Two at Game Three Atin Pa Yan
Huwag mawalan ng loob, may pag asa
Kayang mag champion ng UP Maroons
Ganoon talaga ang bida
Talo muna sa unang sultada
Tunay Palaban at Makabayan
Kaya magcha-champion ang UP Maroons
Sana mag champion ang Fighting Maroons
Please Lord mag champion ang Winning Maroons